3

3085 Words
3     ZAK     “Meron ka bang idea Zak kung sinong may pakana nun?” tanong ni Tuck. Naglalakad kami ngayon pabalik sa school para hanapin ang g*gong nanakit kay aswang.     “Wala naman tayong nakakaaway! Wala akong alam kung sinong gagawa nun.” Sagot ko sa kanya habang gigil na gigil na ako at gusto ko nang manakit.       “Ano? Hindi mo alam kung sino? Eh sinong pupuntahan natin sa school?” tanong ni Trav at napatigil kaming lahat sa paglalakad at nagkatinginan. “Uhmm nagtatanong lang ako dude. Sige na! Tara na at hanapin ang hindi natin kilala!!!” Nanlaki ang mga mata nya at naunang maglakad.       “Hindi ka talaga nakikinig kay Lex no Trav?!! Sabi na nga nyang si Val ang nabugbog kaya sya nadamay.” Epal naman ‘tong si Luke.       “Uy g*go anong ako?!! Wala akong alam dyan no!!” Sumagot si Val at sumunod kay Trav pero tumigil din sila sa paglakad.       “Bobo ‘tong si Luke! Ang hina ng memory! Hindi Val kundi – ” nagisip pa ulit si Rich, “ – uhm Dal – uhmmm Daldal? Oo Daldal yung pangalan! Bobo ka!!” Pinagdiinan pa nitong si Rich yung pangalan. Napaisip tuloy ako kung ano nga palang pangalan nung nabugbog. Kasi hindi namin malalaman kung sinong may gawa nun kung hindi namin kilala kaya dapat namin mahanap muna kung sino man yun. Tsk! Wala atang tatama sa’min sa pangalan.       “Maka-bobo ka akala mo naman tama ka!! Tatamaan ka sa’kin kapag mali ka rin!!!” hinambaan ng suntok ni Luke si Rich.       “Tama na nga. Dale daw yung pangalan. Tinext ko na si Maxi.” Sabi ni Tuck. Wala man lang nakaisip sa’ming itext si aswang dahil ayaw naming magworry sya.       “Tingnan mo bobo ka rin!! Daldal daw! Dale! Dale!! Yung Maxi mo sinusulot na ni Tuck kasi bobo ka!!!!” sigaw ni Luke kay Rich pero nagbibiruan lang naman sila.       “Totoo nga, Tuck? Type mo yung babaeng yun?” seryosong tanong ni Rich pero hindi sya pinansin ni Tuck.       “Ang tanong paano natin hahanapin yang Dale na yan. Nandito pa kaya yun sa school?” sabi ni Tuck at nauna na syang pumasok sa loob.       “Kung ipa-page kaya natin sabihin natin humanda na sya?” suggestion ni Trav at inakbayan naman sya ni Val.       “Parang sinabi mo na ring makick out tayo sa school no? Ang cute cute mo talaga! Ang sarap mong saktan!” Ginulo nya ang buhok ni Trav.       “Ano ba daw itsura nung Dale na yun? Buwisit! Kapag nakita kong gwapo yun mauuna ko syang bubugin! Bakit ba sya lalapit kay aswang!! Humanda sa’kin yan!!” Humarang ako ng grupo ng babae. “Hoy kayo!!! Wag nga kayong ngumiti ang papanget nyo naman!!! Kilala nyo ba si Dale?!!!” Halatang natakot sila pero nagpapacute ang iba sa mga kaibigan ko.       “Dale who?” sagot ng nasa unahan.         “Ayun Zak may apelyido na tayo. Dale Who daw!! Ayos!!” sabi ni Trav at napatingin kaming lahat sa kanya. Tinakpan ni Luke ang bibig ni Trav at sumenyas sa’kin na ituloy ko na ang ginagawa ko.         “Alam nyo miss kapag naituro nyo sa’kin kung sino si Dale – ” tumingin ako sa mga kaibigan ko, “ – makakapili kayo ng isa sa mga yan at pwede nyong halikan!!” nagtilian ang mga babae. “Ano kilala nyo ba?” bigla silang tumigil.       “Hindi eh.” Mahina nilang sagot.       “Wag na kayong umasang makahalik ng mga tulad namin!!!! Mga walang silbi!!! Tara na!!” naglakad na ulit kami ng may nagsalita sa tabihan.       “Anong kailangan nyo kay Dale?” napatigil kaming lahat at lumingon. Nakita namin ang isang lalaki na mukha ng mummy dahil sa mga nakabalot. May black eye pa. Makakausap pa kaya ‘to ng matino?       “Kung wala kang magandang masasabi wag mong aksayahin ang oras namin baka dagdagan ko yang pasa sa mukha mo eh!!! Ano!! Ano!! Game!! Game!!” Pumepwesto na ng laban si Trav pero hinigit ko sya at lumapit sa nagsasalita.       “Ikaw ba si Dale?” tanong ko sa kanya. Naalala ko kasi yung sinabi nung pinsan ni aswang.       “Ikaw si Zak di ba?” nanggigil ako sa sagot nya. Sa lahat ng ayoko eh yung ang sagot sa tanong ko eh tanong din. Pinipigilan ko ang sarili kong saktan sya dahil sa kalagayan nya at napansin nya atang nanggigigil na ako. “Oo, ako si Dale. Masaya ka na sa ginawa mo?”       “Wag mong paginitin ang ulo ko baka sa ospital na ang maging bagsak mo nyan. Sinong nanankit sa fiancé ko?” Hindi sya sumagot at parang nagmamatigas pa. Nakatitig lang sya sa’kin. Buti na lang at panget sya kaya palilipasin ko na lang na lumapit sya kay aswang. “Hindi ako nagpapabugbog ng mahihinang tulad mo. Bakit kailangan ko pang magpabugbog kong kaya kong gawin yun ng ako lang magisa!!! Ngayon sasabihin mo ba sa’kin kung sinong gumawa nito?” Huminga sya ng malalim.       Tumingin muna sya sa’min lahat tsaka nagsalita. “Hindi ko alam ang buo nyang pangalan pero kilala sya sa tawag na Barber.”       “Barber? Hahahaha magpagupit na tayo!!!!!!” epal ni Rich habang tumatawa pero nabatukan kaagad sya ni Luke.       “Saan namin sya makikita?” tanong ni Tuck sa Dale na ‘to.       “May tambayan sila sa bayan. Yung lumang junk shop dun sila nagtitigil ng mga tropa nya.” Sagot nya at tumalikod kaming lahat. “Kung balak nyo silang sugurin magisip kayong mabuti. Marami sila.”         “Nakaubos kami ng isang batalyon! Wag mo kaming alalahanin.” Sagot ko sa kanya at umalis na kami.     Hindi na kami nagaksaya ng oras at hinanap na namin kaagad ang kuta ng mga dagang yun. Pagdating sa bayan ay pumarada na kami sa tapat ng isang fast food at naglakad na lang para hanapin ang lumang junk shop na sinasabi nung Dale na yun.       Nakita naming namumulot si Trav ng mga lata at plastic bottles. “Anong ginagawa mo?” tanong ni Val.       “Junk shop yun di ba makatotohanan kung magbebenta tayo.” Seryoso nyang sagot. “Para meron tayong extrang pera.”     Bigla syang binatukan ni Rich. “Naghihirap ka na ba? Nakakadiri ka!!”     “Arte akala mo di sya nahawak ng lata. Ibibigay ko naman yung pera dun sa mga bata oh.” Itinuro nya yung mga batang namamalimos.       “Uhhhh ang bait!!” sabi ni Val at pinagbabatukan namin si Rich. “Epal mo kasi eh!!”       “Hindi natin kailangan yan. Una, lumang junk shop na yun. Ibig sabihin sarado na. Pangalawa, kung magbebenta tayo ng ganyan makikilala agad nila tayo. Hindi tayo makakaporma. Kailangan nating pagaralan muna yung plano. Hindi pa natin kilala ang kalaban.” Palagi talagang seryoso ‘tong si Tuck. Mabuti na lang at seryoso sya at sya ang nakakapagisip sa’ming anim.       “Iwanan na kasi natin ‘tong basurerong si Trav.” Sabi ni Rich at nagpatuloy na kami sa paglalakad habang lumayo si Trav sa’min. “Kakandidato ba ‘tong si Trav? Hoy Trav tapos na eleksyon!!” Iniabot nya ang mga nakuhang plastik at mga lata sa mga bata. “Pagkain ang kailangan nyan hindi basura!!”       “Tumigil ka na nga dyan!! Inggit ka lang eh!!” sabi ko kay Rich. “Tara na nga!”       “Zak, may nakita akong lumang – lumang pagupitan!!” sigaw ni Val.       “Ano namang gagawin natin sa pagupitan!!!” tanong ni Luke sabay batok kay Val.       “Barber yun di ba?!!!” tiningnan namin sya ng masama. “Hindi pa kasi ako tapos. Lumang pagupitan sa likuran nun may lumang junk shop!!” Nakaturo sya sa kanang direction at naglakad kami ng mabilis papunta dun.       Merong isang malaking gate sa likuran at mukhang nakasara. Sa may bakod nakikita namin ang mga ugok. “Sino kaya dyan si Barber?” tanong ni Luke.       “Bakit parang hindi na sila mukhang estudyante?” tanong ni Rich at pinagmasdan namin sila ng bigla silang mapatingin sa direksyon namin kaya mabilis kaming umupo. “Nakita ba nila tayo?”       Mataas din ang bakod at may bulb wire sa taas tsaka mga bubog. Ang tanging daan lang na pwede naming daanan ay ang malaking gate na ‘to. “Hindi nila tayo nakita. Wala tayong choice kundi pumasok dito.” Tumingin ako kay Tuck. “May naiisip ka ba kung paano makakapasok?”       Tumingin si Tuck sa gate. “Dating gawi. Tatapak sa likuran at balikat si Trav tsaka sya tatalon sa kabila at bubuksan ang gate.” Tumingin kaming lahat kay Trav na hindi umaalis sa kinatatayuan pero palingon lingon. “Trav ano?”       “Ha? Hindi ako pwede! Ano kasi takot ako sa heights.” Sagot nya at pinagpapawisan.       “Ikaw lang ang pinakamagaan. Isa pa kailan ka pa nagkaroon ng fear of heights?” tanong ni Luke at pumwesto na kami.     Si Luke at Val ang nakaupo. Si Tuck at Rich ang tutuntungan sa balikat at ako ang magaangat sa kanya. “Bilis na Trav!!” sigaw ni Rich.       “Ha? Hindi talaga pwede! Hindi magiging maganda ‘tong mangyayari. Baka malaglag pa ako dyan!” Namumutla na rin sya. Hindi ko alam kung natatakot ba sya o may iba pang dahilan.       “Hindi ka malalaglag!! Parang timang ‘to! Bilisan mo!! Nababading ka na naman!!!” naiinis na si Val siguro ay nangangalay na sya.       “Hindi talaga pwede. Dito lang ako. Panonoorin ko kayo. Hindi talaga!” Hindi sya mapakali kaya naman hinigit ko na sya. “Hindi wag! Wag Zak!! Ayoko!!”       “Tapak na Trav!!!” Itinaas ko ang isang paa nya habang hinigit naman sya pataas nila Tuck para makatuntong sya sa balikat nila at mabilis akong pumwesto sa harap para maingat sya. Nakahawak ako sa paa nya.       “Nandito na ako!! Nandito na ako!!” nakasampa na sya sa itaas. Ang kailangan na lang nya ay tumalon pababa. “Hahanap lang ako ng pwedeng matuntungan pababa.”       “Bakit ang baho?” tanong ni Luke. “F*ck Val ano yang nasa likod mo? Tae ba yan?” Tumayo agad ang dalawa. Nilapitan ni Luke si Val at hinawakan ang nasa likuran ni Val. “Sh*t tae nga!!!!!”       “G*go meron ka rin!!” sabi ni Rich kay Luke habang itinuturo ang likuran ni Rich. “F*ck sobrang baho!!! Nakakasuka!”       “Meron ka rin sa balikat, Rich.” Sabi ni Tuck na dahan-dahan ding tumingin sa balikat nya. “Ako rin meron?!!!!”       “D*mn!! Yung kamay ko ang baho amuyin nyo!!!!” sabay sabay silang lumayo sa’kin. “San galing ‘to!!!”       Napatingala kaming lahat at nakita namin ang sapatos ni Trav. “Trav!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”       “Sabi na kasi sa inyo wag na ako ih!!!” Kumapit sya ng mahigpit sa gate.         “Siraulo ka!! Bumaba ka dito!!!!! Humanda ka sa’min!!!!!!” galit na sigaw ni Rich.       Nagsipaghubad na sila ng shirt at pinipilit abutin si Trav kaya napatuon kami sa gate ng biglang bumukas. “Ay bukas naman pala.” Sabi Luke habang nakahandusay kami sa lupa.       “Ayos! Tara na!” sabi ni Val at tumayo kami tsaka pumasok sa loob.       “San – sandali! Paano ako? Di – di ba kasama nyo ako?” Hindi namin sya pinansin. “Hoy! Paano naman ako!!”       “Di ba sabi mo wag ka ng isama! Panoorin mo na lang kami!” nagtago kami sa likuran ng malalaking drum at pinagmamasdan namin ang mga lalaki. Nagpapaalam na yung iba. Mukhang uuwi na. Maganda yun mababawasan ang gugulpihin namin.       Dahil sobrang arte ni Val kakapunas sa katawan nya at praning na baka may tae na sya sa buong katawan nadali nya ang kahoy sa ibabaw ng drum at nalaglag. “G*go mo talaga!!!” bulong sa kanya ni Luke.       “Sinong nandyan?!!” tanong ng kung sino man sya.     Nanggigigil na ako at gusto ko nang manapak pero pinigilan ako ni Tuck. Kumuha sya ng bato at ibinato nya papunta sa may harapan na gate. “Baka pusa lang yun. Ang bilis manakbo nandun na agad. Sige na boss uwi na kami.”       Hindi na kami nagaksaya ng oras nang makaalis ang ilan sa kanila.       “Magkano ang kilo ng kinakalawang na kamao?” tanong ko habang nakasandal sa poste malapit sa bahay. “Kinakalawang na kasi ang kamao ko. Kulang na sa praktis.”         “Kilo ng baboy magkano? Mukhang pwede ka na eh.” Sabi naman ni Rich na may hawak na bola at nilalaro-laro.       “Mga bata, hindi ako pumapatol sa mga lalaking nakahubad!!! Umuwi na kayo sa mga nanay nyo bago pa kayo mabasagan ng itlog!” papasok na sya pero binasag ko ang bote na malapit sa’kin.       “Ooops! Nadulas!” Lumapit ako sa kanya. Mukha syang nasa 20 plus na. Siguro pinantanda na sya ng mga bisyo nya. “Ikaw ba si Barber?”       “Huh! Sino ka para magtanong sa’kin?! Nandito ka sa teritoryo ko bata!!!” Tinap nya ako sa balikat pero hinawakan ko sya ng mahigpit. Susuntukin ko na sana sya pero napigilan nya. “Kung ako sa’yo bata hindi ko yan gagawin.” Bigla syang tumuro sa likuran ko.       “Zak.” Nakita kong may mga nakatutok na lanseta sa leeg ng bawat kasama ko at hindi sila makagalaw agad.       “Kung gusto mong mamamatay silang lahat – sige – suntukin mo ako.” Inilapit nya pa ang mukha sa’kin. “Sige!! Suntok na!!!!” Sobra akong nanggigil. Hindi namin inaasahan na alam nila ang pagpasok namin.       Tiningnan ko sila isa-isa.  Mukhang kaya naman nila ang katapat nila kaya lang konting kilos lang nila gilit ang leeg nila. Hindi kami pwedeng mamatay dito. Mababawasan ang gwapo sa mundo.       “Ano bata? Nawala ata ang tapang mo!!!” bigla nya akong sinikmuraan. Nagulat ako pero hindi naman ganun kasakit. Kaya ko sana ‘tong patumbahin kaya lang mapapahamak ang mga kaibigan ko. Kung mawawala lang ang concentration nila sa mga leeg ng kaibigan ko alam na nila ang gagawin.       Nakita kong naikot ang mata ng bawat isa. Lahat kami ay nagiisip ng paraan kaya lang ang dapat namin malusutan ay ang pagkaalis ng lanseta sa mga leeg nila. Kahit sandali lang alam kong meron ng plano ang mga ‘to. Anong gagawin namin?       “Wala namang makakaalam na nandito kayo at dito kayo mamamatay. Bata may uhog ka pa sumusugod ka sa lungga namin!!!” tumawa sya ng tumawa. Ang panget nya at ang baho ng hininga nya. Mas lugi ako dito. Hindi ko kakayanin ang hininga nya.         Nawawalan na kami ng pag-asa. Hindi pwedeng ganito. Kapag may nangyari sa kanila sisisihin ko ang sarili ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Pero paano ko pa masisisi ang sarili ko kung patay na rin ako? Tinitingnan ko sila at wala akong magawa! Wala!!         “Zak!! Zak!! Wala na yung tae natanggal ko na!!!!!” lahat kami ay napalingon kay Trav na hawak ang sapatos nya. “Anong meron? Magpapagupit ba kayong lahat? Sya – sya ako din! Sino sa’kin?” Ayos talaga ang pasok ni Trav.       Dahil lahat kami eh napatingin sa kanya nakabwelo kaming lahat. Nakalayo si Val sa lanseta at nakakuha ng boteng ipinukpok sa ulo nung katapat nya tsaka sinuntok habang isang dos por dos naman ang ginamit ni Tuck panghampas sa kamay na may hawak na lanseta. Si Rich naman eh nakayuko agad at dinamba ang lalaking katapat nya kaya napahiga ito at tumalsik ang kutsilyong hawak. Si Luke naman eh na-headbat agad ang katapat. Lahat sila ay nakikipagbakbakan na kaya nakisabay na rin ako.       Mabilis kong sinuntok yung katapat ko. Tulad ng inaasahan mahina lang sya. “Hindi kami ang batang inaakala mo!!!” Kumuha pa sya ng patalim pero naagaw ko at naihagis ko sa malayo. Sobrang tagal ko ng hindi lumaban kaya mabagal na ako pero yung suntok ko mukhang malalakas pa rin.         “Ah – eh – okay. Sige – may mga kaaway kayo. A – ako wala. O – okay. Manonood na lang ako muna.” Sabi ni Trav na pinapaikutan kami dahil wala naman syang katapat.         “Sino ba kayo? Bakit nyo ‘to ginagawa sa’min?” tanong ng katapat ko.       “Kami ang Sterke Geest!! Ako si Zak!! Tandaan mo ang pangalan namin ha!!! Nagkamali kayo ng taong sinaktan!!!” Sinuntok ko pa sya ng isa. “Ito special para sa’yo!!” Kinuha ko ang mukha nya at idinikit ko ang kamay kong nalagyan ni Trav ng tae. “Special perfume!!” nagpapalag sya dahil hindi sya makahinga kaya naman inawat na ako ni Luke. “Gusto mo sa’yo na lang?” Nawalan na ng malay ang lalaking ‘to.         “Hindi ah! Bakit ako!!! Dapat si Trav!!!” sagot ni Luke. Tumayo ako at bagsak na rin ang lahat ng katapat namin.         “Ba – bakit ako? Wa – wala naman ako dyan ah!!” Nalayo sya sa’min pero nilapitan ko sya at inakbayan.         “Tama! Kung hindi dumating si Trav baka patay na tayong lahat! Kaya dapat magpasalamat tayo sa kanya.” Ang ganda ng ngiti ni Trav at parang nahihiya pa. “Para sa’yo ‘to!!” Bigla kong tinakpan ng kamay ko ang ilong nya gamit ang kamay kong nalagyan nya ng tae. “Amuyin mo!! Amuyin mo!!!”         Kinuha ni Rich ang sapatos na hawak nya at ipinahid sa buong katawan ni Trav tsaka sila naglayuan kaya naman lumayo na rin ako. “Tara na. Umalis na tayo dito bago pa may dumating!” sabi ni Val na nangunguna sa pagtakbo. Hindi mo alam kung nauuna sya para makalabas agad sa shop na yun o para hindi malagyan ng special perfume nitong si Trav.       Kahit na mabaho at mapanganib ‘tong ginawa namin gumaan naman ang pakiramdam ko. Naipaghiganti ko na si aswang. Hindi naman sana ganun katindi kaso tinakot nila kami. Sila ang nanguna.       Ang ipinagtataka ko lang talaga hindi mukhang students yung mga yun. Tsaka ko na nga yun iisipin. Ang gusto kong gawin ngayon eh maligo dahil ang baho ko! Buwisit ‘tong mga ‘to eh!! “Hoy ang lumapit sa’kin sabog ang nguso sige!!!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD