4

2898 Words
4   JEZHI     “Nasa school ka na ba? Hindi mo ba nakikita si sis dyan? Hindi kasi nagrereply sa’kin. Tinatanong ko kasi kung anong gusto nyang food nandito kasi ako sa supermarket.” Napili ako ng snacks tsaka ng magiging breakfast sana namin ni sis.       “Kadadating ko lang baby pero hindi ko pa sya nakikita.” Sagot ni baby sa’kin. “Bilhan mo nga din ako ng energy drink. Nanlalambot ako ih.”       “Okay baby. Text na lang kita mamaya. I love you.” Sagot ko sa kanya.       “I love you too, baby!” sagot nya at ibinaba na namin ang phone.       Gusto kaya ni sis ng clubhouse o siopao? Ang hirap naman pumili. Ito na lang kayang combo ang bilhin ko para lahat nandito na. Kumuha ako ng dalawang combo meal tsaka energy drink ni baby at nagdiretso ako sa counter. “Miss pwedeng painit? Thanks.” Pakiusap ko tsaka ako nagabot ng bayad.     Iniintay ko ang iniinit na pagkain ng mapansin ko ang isang babaeng nagbibilang ng boxes ng combo meals at muntik ng malaglag ang pinagpapatungan nito kaya naman mabilis akong lumapit para tumulong. “Naku maraming salamat ma’am.” Kinuha nya ang hawak ko. “Kung nalaglag ‘to bawas pa ‘to sa sweldo ko.” Isinalansan nya sa loob ng malaking container.       “Wala yun. Sayang din naman kasi kung matatapon. Maraming nagugutom na bata – pero hindi rin naman sila mabubusog kapag kinain natin yan.” Tumatawa kong sagot pero wala syang reaction. Natitigan ko sya at namukaan ko. “Wait are you the girlfriend of Luke?” paguusisa ko.       “What? Girlfriend? Sinabi ba nya yan sa’yo?” gulat na gulat nyang tanong.       “Hindi – I just assumed kasi palagi ka nyang nababanggit. So hindi ka nya girlfriend?” umiling sya. “Kung hindi ka nya girlfriend – teka asawa ka ba nya?”     She rolled her eyes.       “Hindi.” Muli nyang pinagpatuloy ang pagaayos ng mga boxes at isinara nya.     “Bakit naman? Ang bait pa naman nun ni Luke. Seryoso yun magmahal.” Pangongonsensya ko sa kanya. “San ka pa gwapo na mayaman pa. Na sa kanya na ang lahat.”     Tumingin sya sa’kin. “Yun na nga eh, nasa kanya na ang lahat. Hindi kami bagay kasi mahirap lang ako tapos mataba pa.” Nalungkot ang mukha nya. Mababa pala ang self esteem nya.       “Duh! Lahat na nga na kay Luke maliban sa’yo. Ikaw yung happiness nya. Tsaka kung hindi ka talaga gusto nun eh di sana hindi ka na kinakausap. For sure pinupuntahan ka nun dito.” Mabait naman talaga si Luke. Gusto din naman naming mga kaibigan nya na magkalove life sya para hindi na din sya bantay sarado kay sis.       “Ay naku bahala na. Dyan ka muna ha kasi magdedeliver pa ako ng pagkain sa SCC. Sana may tricycle na sa labas.” Binuhat nya ang box.     “Teka!” Hinawakan ko sya sa braso. “Sa Stanford ba?” tanong ko at tumango sya. “Ay sumabay ka na sa’kin kasi papasok na ako. Sandali lang ha.” Bumalik ako sa counter. “Ate okay na ba yung binili ko?” iniabot na nya sa’kin at binalikan ko ang minamahal ni Luke. “Let’s go. Nandito lang sa tapat yung car ko.”       “Ha? Wag na. Nakakahiya naman. Magaabang na lang ako ng tricycle.” Pagtanggi nya.       Binuksan ko na ang kotse ko. “Ayos lang ano ka ba. Nararamdaman ko na isa sa mga araw na ‘to magiging magkakaibigan na tayo. Kaya sige na.” Kinuha ko ang box na hawak nya at inilagay ko sa likuran. “Dyan ka na sa tabi ko.” Isinara ko ang pinto at parang ayaw nya pa rin. “Wala ka namang nakikitang tricycle ah. Sige ka kapag nahuli yan ng deliver di na nila yan babayaran.” Pananakot ko sa kanya at mukhang effective naman.       “Okay pero wala akong pambayad ha.” Paninigurado nya sa’kin at natawa naman ako.     Tinext ko ulit si Alexa pero hindi pa rin sya nagrereply kaya naman umalis na kami at papunta na sa school.     ***************     ALEXA     Nakakaloka ‘tong pinsan ko. Hindi na talaga humiwalay sa’kin. Pati bag ko binitbit para daw wala akong dala basta isama ko lang sya sa lahat ng pupuntahan ko. Wala ring tigil ang bibig nya. Hindi ba ‘to tinatamaan ng sore throat para matahimik man lang kahit ilang segundo.     “You have no idea how bad they were. Mabuti na lang talaga kaya kong idefend yung sarili ko. Alam mo couz dapat matuto ka rin ng self defense para naman hindi ka na naasa sa boyfriend mong warfreak!” sabi nya sa’kin na parang hindi nagiisip ng masasabi.       “Warfreak? Excuse me ha. Ang boyfriend ko nakikipag-away lang kung kailangan like kung may nanakit sa’kin. Warfreak na agad yun sa’yo? Eh ano pang tawag sa’yo na kahit walang gulo nakikipagbasag ulo?!”     Hindi sya agad sumagot at tila nagisip muna. “Ha – ha! Oo nga no?! Never mind!!! Hmmm ganun na ba ako kasama? Alam mo siguro kapag nagkaboyfriend na ako hindi na ako magiging ganun!” Nakatingin lang sya sa malayo. “Sino kayang magiging boyfriend ko?”       “Sino namang gugustuhing maging boyfriend mo eh nakakatakot kang maging girlfriend!” Tumingin sya ng masama sa’kin. “Tingnan mo naman, nakapagpatumba ka ng limang lalaki dahil natripan mo lang. Kapag nalaman ng boyfriend mo yun hindi ba sya matatakot? Isa pa kapag may nakikita kang gwapo kahit bata pa nagpapacute ka. Tingin mo ba makikipag-argue pa ang boyfriend mo sa’yo kung takot na syang mabugbog?” Napaisip pa sya ulit.       “Hmmm dapat mapagbago nya ako. Dapat kapag kasama ko sya magiging isa akong mabuting tao.” Bigla syang kinilig na parang naiihi. “Ihhhhhhhh hindi na ako makapaghintay na makita sya. Sana naman magtagal kami!!” Niyakap nya ng mahigpit ang bag ko. Baliw na talaga sya.       “Sis?” napalingon kami ng sabay ni Maxi at nakita namin si Jezhi. “Kaya ba hindi ka nagrereply sa’kin kasi ipinagpalit mo na ako ganun ba?” Parang naluluha na ang loka.       “Nagtext ka?” Tumingin ako kay Maxi. “Nakita mo na! Kung ibinigay mo ang bag ko sa’kin kanina eh di nabasa ko na yung text!” Pero nakangiti lang si Maxi tsaka lumapit sa’kin at kumapit sa braso ko. “Ano bang ginagawa mo?”     “Uhm sis binilhan pala kita ng breakfast – ” lumapit si Jezhi sa’min at nakita ang pagkain namin sa kabilang side, “ – oh mukhang nagbreakfast na kayo ng new bestfriend mo. Okay.” Dahan-dahan syang lumayo. “Uhm hanapin ko na lang si baby.”       “Sis, don’t be like that. Hindi ko kasi nabasa yung text messages mo. Isa pa hindi ko bestfriend ‘tong si Maxi – ” biglang tinakpan ni Maxi ang bibig ko.       “Hindi mo na kailangang magexplain sa bestfriend mo. She won’t judge you kung mahal ka nya.” Nakangiti pa rin sya at nakatingin kay Jezhi. “Right, bff?!”       “Hindi kita bff! At anong gusto mong sabihin? Na – na mas mahalaga ka na kaysa sa’kin?” Tumingin sya sa’kin at umiling ako. “Marami na kaming pinagsamahan no!! Hindi ko yun sasayangin dahil lang sa’yo!”       “Ohh really? Kami kasi 18 years na kaming magkakilala. I don’t need to compete with you!!” Pang-aasar nya kay Jezhi. Mapagpatol pa mandin ‘tong babaeng ‘to. Pinilit kong alisin ang mga kamay ni Maxi pero sinubuan nya ako ng tinapay. Sinubukan kong iluwa pero tinakpan nya ulit ng kamay nya.       “Ang – ang sweet nyo naman.” Humikbi si Jezhi tsaka tumalikod at tumakbo.       “Ay ayaw mo bang sumali sa’min?” tanong ni Maxi na halatang nang-aasar lang.       Nang alisin nya ang kamay sa bibig ko ay itinulak ko sya at iniluwa ang tinapay. “What’s wrong with you? Alam mo bang sobrang madamdamin nun! Inasar mo pa!!”       “I didn’t know!! Nakakatuwa lang syang asarin.” Parang wala lang sa kanya ang ginawa kay Jezhi at kumain na lang ulit.     Kinuha ko ang bag ko sa kanya at mabilis kong chineck ang cellphone ko. “Tsk! Daming messages! Naku Maxima ka!!!”       “Stop calling me that! Dalaga na ako ngayon okay. Just Maxi!” Pagmamaarte nya.       Sinubukan kong tawagan ni Jezhi pero hindi sya sumasagot. Talagang nagtampo na sya. Dahil hindi nya sinasagot ay tinext ko na lang sya. “Oras na magalit ‘to sa’kin palalayasin kita sa bahay at bahala kang maghanap ng tutulugan mo!!”       Napatigil sya sa pagkain at tumingin ng masama sa’kin. “You know that’s mean. Pero sila tito at tita ang nagpatira sa’kin dun not you. You have to beat me first bago mo ako mapalayas. And good luck with that!” Pagmamayabang nya dahil alam nyang hindi ako marunong makipaglaban. Humanda sya sa’kin kapag nagpaturo ako kay goon.       “Dyan ka na nga! Hahanapin ko si Jezhi! Oras na umulit ka pa sa pangaasar sa kanya naku!!! Ipapabugbog kita sa boyfriend ko at isusumpa kita na wag ng magkaboyfriend ever!!!” Pananakot ko sa kanya tsaka ako tumayo para hanapin si Jezhi. Tinext ko na rin ang buong Streke Geest para tulungan ako. Nagkita kami sa tambayan.       “Anong problema sweet monster?” tanong ni goon sa’kin pagkadating nya tsaka yumakap sa’kin.       “Wala naman kasi nandito ka na.” Sagot ko sa kanya habang yakap sya pero bigla nya akong binatukan. “Aray!!!” Bumitaw ako sa kanya.       “Ay sorry! Napalakas ba?” Hinaplos na ang batok ko. “Kasi naman makapagtext ka sa’min parang super emergency ng pupuntahan namin tapos biglang wala naman.”       Oo nga pala. Nagtampo nga pala si Jezhi sa’kin. “Na-carried away lang sa presence mo. Alam mo na ang hot mo kasi.” Sabi ko sa kanya sabay wink.       Natulala sya at napangiti at parang nawala na sa sarili. “Hoy Zak buang ka na rin!!!!” sabi ni kuya Luke sa kanya sabay batok. “Ayan little sis naiganti na kita.”       “So everyone’s here na ba?” bumaba ng puno si Maxi. “Gosh ang hirap sumagap ng signal! Muntik na akong makarating sa tuktok ng puno.” Pagrereklamo nya.       “Lex, kailangan ba lagi mong kasama yang babaeng yan?” tanong ni Rich.       Lumapit si Maxi kay Rich tsaka hinawakan ito sa mukha. “Why baby? Madedevelop ka ba sa’kin kapag lagi mo akong makikita?”       “A – ano – anong de – deve – lop? A – ano ka – ca – camera?” Parang naninigas si Rich at nagtawanan ang lahat.       “Hala sya oh! Rich asan na ang charm mo?” pang-aasar ni Trav.       Inalis ni Rich ang kamay  ni Maxi. “Kadiri ka uy!!” sabi nya dito at tumawa lang si Maxi tsaka inilapit ang mukha kay Rich. “Ano bang ginagawa mo?”       “Bakit hindi ka lumayo? Ihhh gusto nyang halikan ko sya!!” Lakas talagang mangasar nitong babaeng ‘to kaya palaging napapaaway eh.       Napalunok si Rich tsaka lumayo na lang at hindi nagsalita.       “Tinext ko na si baby sabi ko pumunta dito kasi miss ko na sya. Sobrang daming text sa’kin. Masama daw ang loob. Hala Lex, ano bang ginawa mo sa baby ko?” tanong ni Val habang tinatago ang phone nya.       “Hoy Val wag mo ngang sisihin ang aswang uupakan kita dyan!!!” Niyakap ako ni goon. Ang sarap ng yakap nya. Nakakadala. Ang daming kuryente ang nadaloy sa buong katawan ko.       “Thanks my goon!” Hinalikan ko sya sa pisngi at namula sya. “Wala naman akong ginagawa sa kanya. Yang si Maxi kasi inasar si Jezhi. Akala kasi nya pinagpalit ko na sya at akala nya si Maxi ang new bff ko ayun nagwalk out.”       “Baby what’s the meaning of this?” Dumating na pala si Jezhi hindi namin napansin dahil lahat sila ay nakatingin sa’kin.       “Jezhi makinig ka kasi muna sa’kin.” Lumapit ako sa kanya.       “Jezhi nadeliver ko na lahat. Ang hirap hanapin nito ah – ” napatingin din kaming lahat sa paparating na babae. Wait sino nga sya ulit?       “Erine?” sabi ni kuya Luke. “Hi, what are you doing here?” Nilapitan nya si Erine. “Paano mo nalaman na dito ako mahahanap?”       Umiwas ng tingin si Erine at hindi makapagsalita.       “Kasama ko sya.” Sabi ni  Jezhi at inakbayan agad si Erine. “We were together all morning. Sobrang saya nga eh. Hindi pa ako nakaramdam ng ganung saya sa buong buhay ko.”       I folded my arms over my chest. “Wow, ang lakas ng loob magsabing may bago na akong bff yun pala all this time ikaw ang may bagong kasama. Lakas ng loob mong magwalkout!!!”         “Uhm, it’s not what you think – ” pinigilan ni Jezhi matapos magsalita si Erine kaya naman inilayo na sya ni Luke.       “Mabuti nga nakahanap ako ng makakasama ko dahil yung inaasahan kong kasama ko eh may kasama na palang iba. Hindi man lang ako ininform na wag ko syang hanapin dahil busy sya. Kaya pala hindi nagrereply sa’kin.” Tumaas na ang boses nya.       “Excuse me alin sa hindi ko hawak ang bag ko ang hindi mo maintindihan? Tagalog yun sis kailangan ko pa bang itranslate?” sagot ko sa kanya.       “Ayan tayo eh. Friendship lang ang pinaguusapan ngayon patalinuhan na din? Oo alam kong matalino ka. Pero thanks ha dahil sinabi mo rin kung gaano kaliit ang tingin mo sa’kin!!!” Nagsimula na syang umiyak.       “It’s not what I meant.” Nagbuntong hininga ako.       “Nagkamali akong naging kaibigan kita. Dapat lang talaga sa’yo ang walang kaibigan!!” Malakas nyang sabi sa’kin at nasaktan ako dun.       “Ano? Aba’t – kung nagsisisi kang naging kaibigan kita pwes mas nagsisisi akong nagtiwala pa ulit sa isang katulad mong mapanghusga!!! Kung hindi sa’kin wala ka lang! Mahina ka!!!!” Malakas kong sabi at naluluha na rin ako.       “Girls – ” sabi ng Sterke Geest.       “Shut up!!!” sabay naming sabi ni Jezhi sa kanila.       “I was trying to explain and make this work pero mas lalo nya lang pinalala. Makitid ang utak at isip bata!!!” galit kong sabi kay Jezhi at nakatingin ako ng masama sa kanila.         “Hindi na ata tama yang sinasabi mo, Lex. Tama na. Magkaibigan kayo.” Pag-awat ni Val.       “Pabayaan mo sya baby. Mayabang na yan kasi may nagmamahal na sya kanina. Pero noon she’s the wicked witch. Akala ko talaga hindi totoo pero masama talaga ang ugali nya. Panget ang lahat sa kanya. Buti na lang may itsura sya kasi kung naging panget pa sya nakaawa na sya lalo.” Nakatingin lang ng diretso sa’kin si Jezhi at gigil na gigil sya sa bawat salitang sinasabi.     “Jezhi sobra naman yang sinasabi mo.” Pag-awat ni goon.       “Mabuti pa Erine umalis na tayo dito.” Pinahid ni Jezhi ang mga luha nya.       “Baby magpalamig ka muna.” Hinawakan sya ni Val.       “Don’t touch me!!!!” galit nitong sabi kay Val tsaka umalis kasama ni Erine. Nagpaalam muna si Erine kay Luke.       “Kapal! Sya pa malakas ang loob magwalkout!” Pinahid ko rin ang mga luha ko.       “Okay lang yan aswang. Magbabati din kayo.” Humawak sa’kin si goon pero umiwas ako.       “I need time!!!” Lumayo ako sa kanila at umupo sa damuhan tsaka umiyak. Tama naman akong ang kitid ng utak nya ah. Isip bata pa kasi.       “Nakakatakot mag-away ang mga babae.” Sabi ni Tuck.       “Oo nga. Pag tayo may kaaway hindi naman natin sila dinadamay.” Sabi ni kuya Luke.       “Pero sila kapag may kaaway na isa kaaway lahat.” Sabi ni Trav.       “Kasalanan yan ng bruhang yan eh! Dapat talaga hindi na yan sinasamahan ni Lex.” Sabi ni Rich.         “Paano namang di sasamahan yan ni aswang eh sa iisang bahay sila nakatira.” Sagot ni goon.       Naririnig ko sila pero hindi ko na lang sila pinapansin. Ang sakit ng mga sinabi ni Jezhi at ayoko na muna syang makita.         “Ano na lang gagawin natin? Magkaaway ang girls natin?” tanong ni Val.       “Dude pakalmahin muna natin. Mas lalo nating pilitin mas lalo lang silang mag-aaway. Iba ang babae sa’tin dude.” Paliwanag ni Tuck.       Hindi ko alam kung nasaan na naman si Maxi pero mabuti at hindi na sya nagsasalita. Mas masakit pa pala sa break up ang LQ ng magkaibigan. Sobrang sakit.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD