5

2623 Words
5     ALEXA     “Couz sobrang cool nitong place na ‘to. May ring pa oh. Pwede tayong magboxing. Pampasexy.” Nandito kami ngayon sa pub ni Maxi. Medyo nagpapalipas kami ng oras dahil sa nangyari kaninang umaga. Sino bang magaakalang magaaway kami ng ganun? Dati naman nagaaway kami pero hindi naman kami nagsusumbatan. Ang sakit lang isipin na may ganung hinanakit pala sya. Akala ko pa mandin honest na kami sa isa’t isa. “Ay mukhang may gumagamit nga. Fresh pa oh. May dugo.” Napalingon ako kay Maxi.       “Huh? Wala nang gumagamit nyan. Dati si goon dyan nagpa-practice pero di na ngayon kasi tumigil na syang lumaban.” Sagot ko sa kanya sabay balik sa pagiisip.       “Goon? May goon dito?” I rolled my eyes sa sinabi nya. “Kaya ba may dugo dito?” Napatingin ako sa kanya at mukha na syang praning.       “Duh! Goon – boyfriend ko. Yun ang tawag ko sa kanya. Baka kasi yang regla mo tumutulo na. Lakas ng tama mo! Umayos ka nga!!” Naiinis kong sabi sa kanya tsaka tumingin sa cellphone ko. Walang text o kahit ano. Walang nakakaalala sa’kin. Tumayo na ako para sana magyaya nang umuwi nang bumukas ang pintuan at bumungad ang isang pawisang goon. “Goon?”       “Goon? May goon na? Mabuti pa umuwi na tayo!!” Mabilis nanakbo papalapit sa’kin si Maxi.       “Ano ba ang OA mo na sasaktan na kita dyan!!!” Itinulak ko sya ng bahagya at lumapit ako kay goon. “San ka galing?”       Umiwas muna sya ng tingin tsaka sumagot. “Nagjogging. Nagpapawis. Kayo anong ginagawa nyo dito?” Bigla nyang iniba ang usapan nang mapatingin ako sa kamay nya.       “Anong nangyari dyan?” tinutukoy ko ang kanyang kamay na may benda.     “Ha? Ito? Wala nadali lang sa pagluluto.” Sagot nya at itinago nya sa kanyang likuran ang kanyang kamay.       “Patingin!!!” sinubukan kong kunin pero itinago nya. “Sinabi nang patingin!” Tinapakan ko ang paa nya kaya nahagilap ko ang kanyang kamay. Nakita kong bago lang ang sugat at may dugo pa. “Sa’yo ba ang dugo na nasa ring?” tumango lang sya. “Bakit ka na naman nagpapakapagod at nagpapakasugat?” Naguguluhan kong tanong habang diretsong nakatingin sa kanya pero hindi sya sumagot. “May problema ka ba? Anong meron? Kasi sigurado akong may problema ka dahil imposibleng lumaban ka ulit.” Naramdaman kong huminga sya ng malalim. “Lalaban ka ulit?” Tumingin sya sa’kin at mabilis akong lumayo. “Paano? Bakit? Di ba – di ba tumigil ka na?”       “Hayaan mo muna akong magpaliwanag.” Sinubukan nya akong hawakan pero umiwas ako.       “May balak ka bang sabihin sa’kin? Kung hindi ko pa malalaman hindi mo sasabihin. Di ba? Di ba hindi mo sasabihin!!” naiiyak kong tanong.       “Aswang – ” mahina nyang sabi. Hindi man lang sya tumanggi sa mga sinasabi ko.       “WAG MO KONG MAASWANG ASWANG!!!!” Napahawak ako sa ulo ko at hindi mapakali. “Bakit? Bakit gusto mong bumalik sa dati? Ano bang problema? May problema ba tayo na di ko alam? May babae ka ba?”       “Uhmm lalabas na ako ha.” Narinig kong sabi ni Maxi pero hindi ko sya pinansin.       “Wala!” Kinuha nya ang dalawa kong kamay. “Wala tayong problema.” Niyakap nya ako bigla. “I’m sorry kung hindi ko nasabi agad. Alam ko kasing mangyayari ‘to.”       Itinulak ko sya nang malakas palayo sa’kin. “Kahit hindi mo sabihin mangyayari ‘to!! Malalaman ko pa rin!!! Akala ko ba walang sikreto? Bakit nagsisikreto ka na ngayon? Sino pang nakakaalam? Lahat ba kayo? Ako na lang ba ang hindi nakakaalam ha? Ako na lang ba?!!” Talagang hindi ko na napigilan ang sarili ko. Palakad-lakad ako habang naghihintay ng sagot nya.       “Walang may alam, okay.” Huminga sya ng malalim. “Wala akong pinagsabihan.” Umupo sya at ramdam kong nagsisisi sya na hindi nya sinabi sa’kin. “Ayokong mag-alala pa kayo sa’kin kaya wala akong pinagsabihan na kahit na sino.” Nangingilid na rin ang mga luha nya kaya naman umupo ako sa upuan sa tapat nya.       “Pero bakit nga? Bakit ka bumalik sa pakikipaglaban? Kung dati oo naiintindihan ko dahil kailangan mo ng pera pero ngayon? May pera ka na. May kumpanya na kayo. Secure na ang future ni Cia kaya wala akong makitang dahilan para bumalik ka pa!!! Is it because of me?” Ayokong itanong dahil natatakot ako sa isasagot nya na baka hindi dahil sa’kin kundi dahil sa ibang babae. Parang tumigil ang t***k ng puso ko habang naghihintay ng sagot.     Tumingin sya ng diretso sa’kin. “Ayokong sisihin mo ang sarili mo.” Hinawakan nya ako. “Sinugod namin yung hideout nung mga lalaking nakasakit sa’yo but it turned out na mali kami ng nabugbog.” Nanginginig sya at nagsimula nang tumulo ang kanyang mga luha. “Pagbukas ko ng locker merong sobre. Akala ko galing sa’yo pero pagbukas ko puro pictures mo. Parang ini-stalk ka. Sobrang galit ko dahil ayokong may ibang tumitingin sa’yo kundi ako lang. May sulat na kasama na sinasabing lumaban ako hanggang magkatapat kami. Hindi ko alam kung sino sya sa mga nabugbog namin. Kasalanan ko naman yun kung bakit napunta kami dun. Kung hindi ko ginustong ipaghiganti ka hindi naman kami mapupunta dun. Ako yung nagkamali kaya dapat itama ko ang pagkakamali na ‘to.” Nakatingin sya ng diretso sa’kin habang umiiyak.       “No, this is not your fault.” Pinunasan ko ang mga luha nya. “Magsumbong tayo sa mga pulis. Kaya kang tulungan ni papa alam mo yan. You don’t have to do this alone.” Kahit ako umiyak na rin dahil naiintindihan ko kung anong sinasabi nya.       “Aswang, aswang alam kong gusto mong tumulong but listen to me – pagdating sa underground fight walang batas – walang pulis – walang kahit ano. Hindi ko ilalagay sa panganib ang buhay mo, ng mga kaibigan ko lalong lalo na ng pamilya ko. Kasalanan ko ‘to – laban ko ‘to.” Pinagdikit nya ang dalawa kong kamay at ikinulong sa mga kamay nya. “Ang gusto ko lang magtiwala ka sa’kin.”       Hinawakan ko ang pisngi nya. “May tiwala ako sa’yo. Sobrang laki ng tiwala ko sa’yo pero – pero wala akong tiwala sa mga makakalaban mo. Remember nung huling laban mo halos mamatay ka na kaya please wag mo na lang ituloy, please kahit para sa’kin lang.” Tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha ko at pinahid naman nya ang mga ito.       “Ayokong umiiyak ka. Ayokong nasasaktan ka at ayokong masaktan ka ulit kapag sinabi kong hindi na ako tutuloy kasi sa isip ko hindi ako marunong umatras.” Talagang napaiyak ako ng todo sa sinabi nya. Ang sakit sakit na hindi sya nakikinig sa’kin. Pero mas masakit na ginagawa nya ‘to dahil sa’kin pero wala akong magawa para pigilan sya. Para pigilan syang ilagay sa panganib ang buhay nya. “Alam kong nagaalala ka at natatakot pero sana intindihin mo rin ang takot at pagaalalang nararamdan ko kung may mangyari sa’yong masama.” Tuluyan na akong humagulgol habang nagsasalita sya. “Kung hindi ko ‘to itutuloy hindi ko alam kung sino sa inyong lahat ang mapapahamak. Kaya kong umatras kung kilala ko kung sinong kalaban ko – ”       “That’s the point!! Hindi mo sya kilala. Kung may mangyari sa’yo sinong babalikan namin? Sinong magbabayad sa magiging kalagayan mo?!!! Isipin mo rin ang nararamdaman ko goon!! Wag kang selfish!! Wag kang madaya!!!” Pinagsususuntok ko ang dibdib nya. “Hindi ko kayang makita kang sugatan at nasasaktan!! Ayoko!!! Ayoko!! Please, please wag mo na ‘tong ituloy!!!!!!!!”     Tinanggap nya lang ang lahat ng mga suntok ko. Hindi sya sumagot pero umiiyak rin sya. Bakit hindi sya nagsasalita?       “Para sa’kin, please para sa’kin. Kung mahal mo talaga ako please wag mo na ‘tong ituloy.” Tumigil ako sa pagsuntok sa kanya at hinawakan ko sya sa dalawang pisngi.       Pumikit sya at kinuha ang dalawa kong kamay. “That’s the reason, Aswang. I’m doing this because I love you. I love you so much na handa kong ibigay kahit sarili kong buhay.” Mahina nyang sabi.       “Ahhhhhhhhh!!!” Itinulak ko sya ng malakas tsaka ako tumayo. “No!! You’re not doing this for me!! You’re doing this for yourself!!!!” Hindi na ako mapakali and I’m already throwing my hands up in the air. “Ang daming pwedeng options goon!! Sobrang dami nating pwedeng gawin. Marami tayong connections, marami tayong kaibigan. Maraming pwedeng tumulong sa’yo alam mo yan. Pero mas pinili mong sundin ang sarili mo!!! You are so selfish!!! Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko? Ni papa? Ni Cia?!! Be considerate naman goon!!!” Sinisigawan ko na talaga sya at hindi sya sumasagot. Nakatungo lang sya at tinatanggap lahat ng mga sinasabi ko. “Fine!! Sasabihin ko ‘to sa lahat! Sasabihin ko ‘to kay Cia!!!”       “No! Please don’t!!!” Napatayo na sya. “Aswang naman!! Hindi lang ikaw ang nahihirapan dito!! Mahirap din ‘to para sa’kin!! Ilang beses ko na ba ‘tong ginawa para sa’ting lahat? Maraming beses na pero hindi naman ako nabigo!! Sana naman magtiwala ka sa’kin!! Ginagawa ko ‘to para sa’yo – ” hindi ko napigilang sampalin sya dahil sa mga sinabi nya at dahil pinagtaasan nya ako ng boses.       “Sinusumbat mo ba sa’kin na kasalanan ko ‘to?” Sobrang sakit na marinig sa kanya na parang sinusumbatan nya ako. Hindi ko inaasahang mangyayari ‘to. Bakit sinasaktan ako ng mga taong mahalaga sa’kin? Ng mga taong mahal ko? “Fine!!! Hindi na kita pipigilan sa gusto mo.” Pinipigilan kong umiyak. “I guess this is the end.” Nanginginig na ang boses ko.       “Anong – anong ibig mong sabihin?” nawala ang galit nya.       “Kung hindi mo ko pipiliin then I guess wala na akong silbi. Wala na akong lugar para pakialamanan ka pa.” Tumingin ako sa kanya ng diretso. “I’m just gonna ask you once – anong mas pipiliin mo? Ang laban na yan o ang relationship natin?” Gulat na gulat ang reaction nya.       “Aswang naman – wag mo naman akong pahirapan. You just need to trust me. Hindi naman natin kailangang maghiwalay.” Hinahawakan nya ako pero lumalayo ako sa kanya.       “Then I guess you made your decision.” Kinuha ko ang bag ko. “Best of luck to you, Zak.” Pumatak ang mga luha nya ng marinig nyang tawagin ko ang pangalan nya. Alam nyang kapag narinig na nya yun ay tapos na sa’min ang lahat. Masakit din para sa’kin pero ayokong maging dahilan ng lahat pero wala naman akong magawa. “Pasensya na kung naiipit ka dahil sa’kin.” Pinilit kong ngumiti. “Well, we’re over – ” napapahikbi talaga ako pero pinipigilan ko na ang pagiyak. Para akong baliw na naiyak habang ngumingiti, “ – wala ka ng dapat ipaglaban.” Kinagat ko ang mga labi ko. “Best of luck to you.”       “Yun!! Nandito pala kayo! Tamang-tama may dala kaming – ” napatingin kami ni goon kay Rich na biglang nagbukas ng pintuan, “ – anong problema?”       “Nanood ba kayo ng drama?” tanong ni Trav tsaka sumilip sa loob. “Sarado naman ang TV. Paano nangyari yun?” naguguluhan nyang tanong.       “Lex, is everything okay?” tanong ni kuya.       Pinahid ko ang mga luha ko. Tumingin ako kay goon at umiling sya na sinasabing wag kong sabihin sa kanila ang lahat. “Wala naman. Sinasabi ko lang kay Zak na alagaan nya na ang sarili nya.”       “Zak? Wait Lex, anong problema?” tanong ni Tuck.       “Wag nyo na lang alamin. Wala din naman akong nagawa. Baka masaktan lang din kayo tulad ko.” Tumulo ulit ang mga luha ko. “Ha – ha – ha! Senti ko ngayon. Baka hindi muna ako magpakita ng ilang weeks ha. Bahala na muna kayo sa isa’t isa.” Tumingin ako kay goon. “Have a happy life. Sana wala kang pagsisihan.” Ngumiti ako ng peke tsaka pinahid ang mga luha ko. “Uwi na ako ha.” Dumiretso ako para lampasan sila pero hinawakan ako ni kuya.       “Lex, sabihin mo sa’kin anong problema?” seryoso na si kuya Luke kaya hindi ko na talaga napigilang umiyak. “Zak anong ginawa mo sa kapatid ko!!!!” mabilis syang lumapit kay goon at sinuntok nya ‘to.       “Tama na kuya!! Wag mo na syang saktan. Wala syang kasalanan! Desisyon ko ‘to. Desisyon kong lumayo kaya please hayaan nyo na lang ako. I need space!!” Taas baba na ang mga balikat ko dahil sa pagiyak at halos hindi na rin ako makahinga. “Kailangan nya kayo.”         “Wala ka man lang bang sasabihin, Zak?” tanong ni Val.       “Hindi mo ba pipigilan si Lex na umalis at iwan ka?” tanong ni Tuck pero hindi pa rin sumagot si goon.       “Hindi ikaw ang Zak na kilala namin. Na gagawin ang lahat para wag mawala si Lex – ”sabi ni Trav.       “KAYA KO NGA ‘TO GINAGAWA PARA SA KANYA!!!!!” Sigaw ni goon tsaka sinipa ang mesa. “KUNG HINDI NYO AKO NAIINTINDIHAN SIGE UMALIS NA RIN KAYO!!! HAYAAN NYO AKONG MAG-ISA!!! WAG NYO AKONG PAGKATIWALAAN!!! MAHINA AKO EH!! WALA AKONG KWENTA KAYA AKO INIIWAN!!!! UMALIS NA KAYO HANGGA’T GUSTO NYO!!!!! MAGKANYA-KANYA NA LANG TAYO!!! KUNG GUSTO MO AKONG IWAN BAHALA KA!!!! MAGPAKASAYA KA NA SA BUHAY MO!!!!! BAHALA NA KAYONG LAHAT!!!!!!” Sinuntok nya ang vase malapit sa kanya tsaka pumasok sa loob.       “Lex – ” alam kong gustong ipaexplain ni kuya ang lahat pero pinigilan ko na sya.       “He’s not himself, Lex. Intindihin mo na lang.” Sabi ni Tuck.       “Sabihin nyo yan sa sarili nyo kapag nalaman nyo na ang totoo. For now, tapos na kami. Hindi nya ako pinili. Masakit kapag hindi ka pinili ng taong mahal mo. Sobrang sakit na parang ayoko nang mabuhay but then narealize ko hindi na nga nya ako pinili hindi ko pa pipiliin ang sarili ko sobra naman yun di ba?” tumawa ako. “Mauna na ako.”       Tumalikod ako sa kanila na halos lahat sila bakas ang pagaalala at pagkabahala pero ayokong sa’kin manggaling baka maling version pa ng storya ang masabi ko.       Lumabas ako ng pub at wala na dun si Maxi. Siguro umalis sya nung nagsisigawan na kami ni goon. Marunong din pala sya ng privacy.       Paglabas ko mabilis akong tumakbo. Sobrang bilis na halos natutuyo agad ang mga luha ko. Hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Mas masakit ‘to sa lahat ng pinagdaanan namin alam nyo kung bakit? Dahil harap-harapan nyang pinamukha sa’kin na hindi nya ako kayang piliin against sa pinaglalaban nya. Sobrang sakit, pakiramdam ko hindi man ako namatay noon pero unti-unti akong namatay ngayon –         *BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!!!!!       Ang liwanag – bakit parang bumagal ang kilos ng lahat –  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD