6

2181 Words
6       ALEXA     “HOY G*GO!! Kung magpapakamatay ka siguraduhin mong mamamatay ka!! Tuluyan kita dyan eh!!!!” medyo shock pa ko at isang lalaki na nasa loob ng kotse ang sumisigaw sa’kin.       “HOY G*GO KA RIN!!!!!! SANA TINULUYAN MO NA AKO!!!!!! TANG* KA RIN NO!!!!!” Naramdaman kong may humawak sa’kin habang nakahandusay ako sa ground.       “Alexa, tama na.” Napalingon ako.       “Dale?” may humigit sa’kin paatras nung nasisilaw na ako sa ilaw ng sasakyan hanggang sa matumba ako. “Ikaw ba ang tumulong sa’kin?”       Tumayo sya. “Sir, pasensya na po. May problema lang po ang kaibigan ko kaya hindi nya namalayang may sasakyan na. Wag na lang po sana kayong magsalita ng kahit ano. Sobrang powerful po ng family nya. Baka mapatrace kayo at hindi na kayo abutan ng bukas. Sayang naman po ang buhay, di ba?” narinig kong sabi ni Dale sa lalaki sa kotse. Hindi na nagsalita ang lalaki at umalis na.       “Dapat hindi mo na ginawa yun.” Sabi ko sa kanya.       “Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Kayang kayang ipatumba yun ng pamilya mo.” Sagot nya sa’kin tsaka sya lumapit.       “Hindi naman yun.” Kumunot ang noo nya. “Sana hindi mo na ako iniligtas.” Mahina kong sabi at napatawa sya. “Bakit? Dapat naman talaga patay na ako pero heto pa rin ako humihinga. Tsaka tingnan mo nagkalat pa tuloy ang mga gamit mo.” Tinulungan ko na syang damputin ang mga gamit nya na nagkalat sa ground.       “Hindi mo pa talaga oras. Kahit naman hindi ikaw yun ililigtas ko pa rin yun. Hindi naman tayo mamimili ng taong ililigtas natin.” Lumuhod sya at dinampot na rin ang ilang mga gamit.       Napatingin ako sa kanya at medyo napangiti. Ang bait naman nya. Bakit kaya sya pinagtitripan ng mga kaschoolmates namin. “Dapat iniisip mo rin kung kailan mo ililigtas ang isang tao kasi mamaya baka mapahamak ka sa pagliligtas.” Napatingin ako sa wallet nya na nakabukas.       “Syempre naman iniisip ko yun no. Kung mapapahamak ako pagiisipan ko muna kung – ” napatigil sya, “ – akin na yan.” Sinubukan nyang agawin ang wallet nya sa’kin. “Akin na nga kasi!!!!” paguulit nya.       “Sandali lang.” Natatawa kong sabi. “Ikaw ba ‘to? Oh my gosh ang cute!!!!” Tumayo ako at inilayo sa kanya ang wallet. “Nakakatuwa ka naman.” Nakita kong may iba pa syang pictures na nakatago sa loob ng wallet kaya naman hinalungkat ko. “Shocks bakit nasa wallet mo ang baby pictures mo?”       “Akin na nga kasi ano ba!!!!!” malakas nyang sabi sabay kuha ng wallet sa kamay ko at hindi nya namalayang naiwan ang isang picture sa isa kong kamay. “Pakialamera, tinulungan na nga.” Narinig kong bulong nya.       “So – sorry na.” Medyo nasaktan lang ako. Akala ko kasi mabait sya pero di ko inaasahang makakapagsalita sya ng ganun. Akala nya hindi ko sya maririnig. Iaabot ko na ang picture sa kanya nang mapansing kong may kasama syang babae sa picture. “Sino ‘to? Kapatid mo?” tinitigan ko ang picture at bigla nyang kinuha. Kitang kita ko ang galit sa mga mata nya kahit natatakpan ng makapal nyang salamin. “So – sorry.” Medyo nakaramdam na ako ng takot.       “Ako dapat ang magsorry.” Inayos nya ang gamit nya at inayos nya rin ang gamit ko tsaka nya iniabot sa’kin. “Ayan na.”       “T – thanks.” Kinuha ko ang inaabot nya. “Uhm salamat ulit sa pagliligtas sa’kin.” Muli kong pagpapasalamat. Nakatungo lang sya.       “Wala yun.” Bigla syang humarap sa’kin at ang laki na ng ngiti nya. Ang bilis nyang magpalit ng mood.       “Okay.” Hindi ako mapakali at gusto kong itanong ang tungkol sa picture. “Uhm, okay lang bang magtanong?” mahina kong sabi sa kanya habang naglalakad kami. Tumingin sya sa’kin at blanko lang ang itsura nya. Napalunok ako. “Yung bata sa picture – ” inaantay kong pigilan nya ako, “ – ako ba yun?” bigla akong kinabahan ng tumigil sya maglakad. “Ah baka hindi pala. Kasi di ba kapag mga bata talaga magkakamukha?” Tumawa ako ng pilit.       “Oo nga.” Tipid nyang sagot.       “Marami kasi akong kamukha nung bata ako, mga artista.” Tumawa ulit ako.       “Hindi mo naman kamukha yun.” Seryoso nyang sagot at medyo napahiya naman ako. Parang ang feeling naman ng dating ng sinasabi ko kaya tumungo na lang ako. “Kasi ikaw talaga yun.”       Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya at hindi ko alam ang sasabihin. “Hindi nga?” Iniintay kong sabihin nyang ‘joke’ at bawiin ang sinabi nya.       “Sabi na eh, hindi mo matatandaan.” Bigla kong narinig na tumunog ang tyan nya.       “Uhm – ” tumingin ako sa paligid, “ – ayun kumain muna tayo dun tapos ikwento mo sa’kin para maaalala ko.” Hindi sya sumagot. “Don’t worry treat ko ‘to kasi iniligtas mo ako.”       “Sigurado ka?” tanong nya at tumango lang ako. “Okay.”       Dumiretso kami sa restaurant na nakita ko. “Table for two.” Sabi ko sa babaeng sumalubong sa’min.         “Hindi kaya magalit ang boyfriend mo? Baka mabugbog ako.” Sabi ni Dale sa’kin habang umuupo kami.     Biglang bumalik ang kirot sa puso ko. Sandaling oras kahit paano nakalimutang kong naghiwalay na kami ni goon. “So? Anong order mo? Kahit ano wag kang magaalala sa price.” Ngumiti ako tsaka ko tiningnan ang menu.       “Bahala ka ng umorder ng sa’kin.” Sumandal lang sya at nagsmirk. Hindi ko alam kung bakit pero parang biglang naging bad boy look sya.       “Alright. Miss, dalawa nga ng best seller nyo dito tsaka dalawang main menu nyo today. Pa-add ng blueberry cake at green tea with lemon. Thank you.” Ngumiti ako at kinuha ng waitress ang menu. “So, pwede na ba nating pagusapan yung picture kasi swear hindi ko sya maalala.” Panimula ko para lang hindi na maisingit si goon sa usapan.       Naglean sya sa table kaya ako naman ang sumandal para hindi sya ganun kalapit sa’kin. “Hindi mo talaga matatandaan yun kasi saglit lang yun nangyari.” Dumating ang infused water sa table namin at kaagad syang uminom. “I was with my mom. Naglalaro lang ako nun kasi sabi nya pupuntahan daw kami ng tatay ko. Sino ba namang bata ang ayaw makita ang tatay nya di ba?” Huminga sya ng malalim. “Dumating naman sya pero sabi ni mommy wag na muna akong lumapit kaya naglaro na lang ako. Pero sinundan ko sila. Nakita kong sinasaktan nya ang mommy ko. Gusto kong ipagtanggol ang mommy ko pero isang tulak lang sa’kin ng tatay ko tumalsik na ako. Isinakay nya sa sasakyan si mommy habang naiyak ako sa labas. “Mommy lang ako ng mommy.” Napatawa sya. “Tapos may isang batang babae na lumapit sa’kin at nagabot ng panyo. Ang sama ko nga kasi itinapon ko yung panyo tapos nilapitan ako ng mga guards ng batang yun. Umupo sya sa tabihan ko at nagsimula ng magkwento ng kung anu-ano. Next thing I know naiyak na rin sya. Inutusan nya yung yaya nya na kuhanan kami ng picture. Paglabas ng picture iniabot nya sa’kin at sinabing ‘kapag naiiyak ka isipin mong may isang batang handang umiyak para may kadamay ka, Alexa Ciesla Andrade.” Ngumiti sya at parang nawala ang galit at lungkot ko. Sobrang ganda nya at halatang mayaman. Habang naglalakad sya paalis tinititigan ko lang sya. Tsaka ko lang natingnan ang picture nung wala na sya.” Parang pinipigilan nyang umiyak. “Lumapit si mommy, may dugo sa bibig at niyakap ako. Nagsosorry na hindi ko na daw makikilala ang totoo kong tatay. Gusto kong umiyak pero naalala ko yung sinabi nung bata kaya habang nakayakap si mommy sa’kin nakakatitig lang ako dun sa picture. Simula nun hindi na ako umiyak maliban na lang nung nawala si mommy.”       Hindi ko namalayan na sa mahaba nyang kwento eh naiyak na pala ako.       “Ma’am ito na po yung order nyo.” Inilalagay na sa table namin ang order namin at nagiisip ako ng sasabihin.       “Sorry about your mom.” Yun ang una kong nasabi. “Sobrang lungkot naman ng kwento mo na yun pero sorry ha kasi hindi ko talaga maalala.” Sinimulan ko ng kumain. “Hindi naman ako nagkamnesia, I mean oo nagkaroon ako pero sandali lang.”       “Alam ko naman yun. Hindi ko naman inaasahang maalala mo.” Kumain na rin sya at ramdam ko ang lungkot sa boses nya. Dahil pinilit ko syang magkwento naalala nya tuloy yung masaklap na nangyari sa parents nya at pagkawala ng mommy nya.       “So, ang bait ko pala nung bata ako. Kasi alam mo hindi ko matandaan na ganun ako. Palagi kong inaaway ang lahat kasi nga feeling ko princess talaga ako. Tsaka saan nga ulit yung lugar na yun?” sinubukan kong baguhin ang mood ng usapan.       “Ha? Hindi ko na maalala kung saan kasi nga bata pa ako. Pero play ground yun.” Sagot nya pero hindi sya nakatingin sa’kin. Dire-diretso lang ang pagkain nya at halatang gustong-gusto nya ang mga pagkain.         “Ah, play ground. Siguro ang tigas ng ulo ko nun. Kasi nung bata ako hindi ako pinapayagang magpunta sa mga public places tulad nung play ground na yun. Pero dahil sa pagpunta ko dun nakilala kita. Iniimagine ko kung gaano kadami ang sipon mo nung nakita kita. Baka kaya kita nilapitan kasi uhugin mo.” Tumawa ako ng tumawa.       “Hindi ako tatanggi, ganun nga ang itsura ko.” At tumawa na rin sya. “Kaya nga hindi ako nagdalawang isip na kunin yung iniaabot mong panyo kasi kailangan ko talaga yun.” At pareho kaming nagtawanan.       “Sorry ha pero buti hindi ako nandiri nun. Sobrang arte ko talaga as in. Nagsisisi nga ako na ganun ako binuhay ng parents ko.” Sa wakas naman at napatawa ko sya kahit paano. Nawala yung lungkot na nakikita ko kanina.       “Siguro wala ka na lang talagang choice. Parang mas hindi mo matagalan na makitang makakain ko na yung sipon ko kaysa ipahiram mo sa’kin yung panyo mo.” Sagot nya habang kumakain at halos tumalsik na ang nasa bibig nya sa pagtawa.       “Baka nga. Wala kasi akong masyadong magandang memories nung bata ako kaya di ko na iniisip.” Sabi ko habang tumatawa nang mapatingin ako sa may labas. Nawala ang tawa ko. “Goon – ” nakatingin lang sya ng diretso sa’kin. Nakita kong mahigpit na nagsara ang mga kamao nya at ang talim ng mga tingin nya sa’kin. Gusto ko syang lapitan at puntahan pero naalala kong wala na nga pala kami. Isa pa wala naman kaming ginagawang masama ni Dale. Nagkukwentuhan lang kami. Tumingin ako pababa para hindi ko makita ang matatalim nyang tingin at sa pagtingin kong muli ay naglalakad na sya palayo tsaka sinipa ang isang basurahan. Naramdaman ko ang sakit ng paghihiwalay namin. Hindi nya ako nilapitan. Kilala ko sya. Kung makikita nya akong may kausap na iba lalapit yun at susuntukin ang kausap ko pero wala syang ginawa. Lumayo sya at hinayaan nya lang. Hindi na talaga ako importante sa kanya.         “What’s wrong? Di ba boyfriend mo yun?” tanong ni Dale sa’kin. “Bakit hindi mo sundan?”       “Hindi na. Hindi na naman kami.” Pinunasan ko ang mga luha ko. “Kung kami pa kasi siguradong basag na yang mukha mo ngayon kapag nakita nyang kausap kita.”       “Sya ba ang dahilan kung bakit muntik ka nang masagasaan kanina?” tanong nya sa’kin at tumango lang ako. “Alam mo wag mo na lang isipin ang mga malulungkot na yan. Mabuti pa magpakasaya na lang tayo.” Hinawakan nya ang kamay ko pero inilayo ko naman kaagad. Hindi ako sanay na hinahawakan ng iba. “Sorry. Kumain na lang tayo ulit.”       Hindi ako nagsalita at kumain na lang ako ulit pero hindi pa rin nabubura sa isip ko ang mukha ni goon na galit. Hindi ko alam kung galit sya o kung ano man. Masyado akong nasasaktan dahil hinayaan na lang nya ako. Baka hindi lang ‘to tungkol sa laban – baka may iba na talaga sya kaya hinayaan nyang mawala ako. Alam nyang ikakagalit ko ang paglaban nya ulit pero nagpumilit pa rin sya. Sinadya nya kaya? Hindi ko na alam kung anong totoo, kung nagsasabi ba sya ng katotohanan o gumagawa lang sya ng kwento. Bakit goon? Bakit mo ‘to ginagawa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD