7
ZAK
“Napakalandi din naman talaga nya!!!!!! Napagdaanan na namin ‘tong ganito dati bakit hindi pa nya naisip na baka ganun lang ulit ‘to!!” Kinuha ko ang bote at tinagayan ko ang mga mokong na kainuman ko. “Inom na!!!!” Malakas kong sigaw sa kanila. “Ano bang ginawa kong mali? Kung pwede ko lang sabihin sa inyo ang dahilan ngayon ginawa ko na!!!” Halos maiyak na ako dahil sa nakita ko. May karapatan naman syang makipagusap sa iba pero di ko inaasahang ganung kabilis. “Dapat magtiwala lang kayo sa’kin!!! Kaya ko naman eh!!” Mga nakatingin lang sila sa’kin at talaga namang mga nakikinig kaya nilagyan ko ulit sila ng alak sa mga baso nila. “Sige inom ulit!!!!”
“Teka – teka lang Zak, bakit ba puro kami ang pinapainom mo? Akala ko ba inuman ‘to? Inuman lang ba namin ‘to?” tanong ni Luke na mukhang nahihilo na.
“Eh kapag naginom ako sino na lang ang magkukwento dito ha?” biglang nahulog si Trav sa upuan at bumagsak sa sahig. “O nakita mo na. Uminom ka na nga lang!! Painom ko naman yan eh!!” Bawal naman talaga akong uminom para sa magiging laban ko.
“Niloloko lang tayo nyan ni Zak. Siraulo yan eh!!!! Maarte bading naman – ” hindi pa tapos magsalita si Val bigla syang napasuka.
“Bakla pala ha! Linisin mo yang suka mo ha. Tatamaan ka sa’kin kapag di mo yan nilinis!!!” Tumayo sya at nagpunta sa restroom. Hindi ko napansin na tulog na pala si Rich habang tumungo na si Luke. “Ano ba naman kayong klaseng mga kaibigan? Bakit kayo ganyan?”
“Pabayaan mo na. Pagod yang mga yan kaya ganyan. Nandito pa naman ako oh. Sige lang magkwento ka.” Sabi ni Tuck na parang hindi tinatamaan ng alak. “Bakit nga ba kayo naghiwalay ni Lucky girl?” tanong nya tsaka sinalinan ng alak ang baso nya. “Katulad pa din ba ‘to ng dati?” Tanong nya tsaka uminom pero hindi ako sumagot. “Kailangan mo na naman bang lumaban para kay Lex pero hindi mo sinabi sa kanya dahil alam mong hindi sya papayag at baka mapahamak sya?” Hindi ako lalo nakapagsalita sa sinabi ni Tuck. Paano nya nalaman ang mga yun? “Nakikinig ako sa buong kwento mo at alam ko kung anong pinanggagalingan. Ang gusto ko lang malaman kung totoo ba?” Ibinaba nya ng malakas ang baso tsaka tumingin sa’kin ng diretso.
Kinuha ko ang baso nya. “Ano ba yan lasing ka na rin pala Tuck.” Sinalinan ko ng alak ang baso tsaka ako uminom. “Ako na nga lang ang iinom. Sige na – ” pinigilan nya ang pagsasalin ko ng alak. Nakatitig lang sya sa’kin. Titig na ang ibiga sabihin ay handa nya akong patulugin pero hindi dahil sa alak kundi dahil sa suntok. “Okay. Okay. Matalino ka talaga.” Ibinaba ko ang alak. Tumingin muna ako sa mga kasama namin.
“Wag kang magalala, tulog na sila. Si Val umakyat na sa taas.” Sabi nya sa’kin. “Dahil ba ‘to sa pinasok nating hideout at binugbog natin sila?” Sumandal sya at kumain ng pulutan.
“Paano mo nalalaman ‘tong lahat? Nakinig ka lang ba sa’kin o talagang may alam ka na?” tinitigan ko sya pero di sya sumagot. “Teka, ikaw siguro ang secret boss ng mga yun na nagutos para lumaban ako ulit no!!!!!”
“T*rant*do ka ba!!! Bakit ko naman yun gagawin? Hoy ulul ka di pa ako nababaliw!!!!” Napikon na ang loko. Namumula sya hindi dahil sa alak kundi dahil sa galit.
“Oo, syempre alam ko naman yun. Di ka na mabiro.” Sumeryoso ako ulit nang maalala ko ang tungkol dun sa usapan. Ayokong ipagsabi dahil ayokong meron silang nalalaman pero alam kong hindi rin ako palulusutin nitong si Tuck. “Naabangan ako dun sa grocery store nung nagpunta ako nung isang araw. Akala ko naman iisa lang sya pero nung pinalibutan na ako hindi na ako nakapalag. Tinakpan nila ang mga mata ko tapos dinala ako sa di ko alam na lugar. Ang susunod ko na lang na alam eh nasa harapan na ko nung panget na hukluban na yun. Ang sabi nya anak daw nya yung napasok natin. Nagresearch sya ng tungkol sa’tin. Alam nyang dati akong underground fighter. Kilala nya kayong lahat.” Hindi ko napigilang kumulo ang dugo.
“Pwede ka namang tumanggi!!” sagot ni Tuck sa’kin.
“Ulul! Syempre alam ko yun. Tingin mo ba hindi ko yun ginawa. Kahit alam kong pwede na nila akong patayin dun sa lugar na yun nang walang makakaalam wala akong pakialam. Sinabi nga nya na kapag di ako pumayag may mangyayaring masama sa inyong mga kaibigan ko. Kahit nga sinabi nya yun wala pa rin akong pakialam!” paliwanag ko sa kanya.
“Aba’t siraulo ka talaga!!!!” napahampas si Tuck sa mesa.
“Kasi akala ko naman hindi pa nung oras na yun mismo. Biglang bumukas yung tv dun sa harapan namin at nakita ko kayong lahat. Ikaw, si Rich, si Luke, si Trav, si Val at Jezhi at – at – si aswang.” Hindi ko napigilang manggigil. “May sumusunod sa inyo at nakavideo kayo. Nakarecord ang bawat ginawa nyo real time. Hindi ko alam kung paano, kung nasaan sila o kung paano ko sasabihin sa inyo. Pero nung may lumapit na lalaki kay aswang na parang nagtatanong tsaka tumingin diretso dun sa camera na parang tinitingnan ako hindi ko napigilang magalit. Naitumba ko nga yung mesa sa sobrang galit kaya lang nagpasukan na naman yung mga ulupong nya kaya tumigil ako. Dun ako pumayag at tinanong kung anong gusto nya.” Nagsalin ulit ako ng alak tsaka ininom ng diretso.
“Anong gusto nya? Lumaban ka para sa kanya tulad ng dati?” tanong ni Tuck sa’kin na halatang hindi din makapagpigil dahil sa mga narinig.
“Hindi lang ganun. Iba ‘to ngayon. Pustahan ‘to ng mga mayayamang tao. Di ko pa alam kung saan yung lugar pero ang sabi nya kung susunod ako sa kanya walang mapapahamak.” Takot lang naman akong may mangyaring masama sa kanila. Lalo na kay aswang at sa pamilya ko.
“Pwede kitang matulungan dyan, Zak. I have plenty of connections. Pwede kong ipatract kung ano yang secret fight na yan at kung saan. Matutulungan ka namin. Walang kailangang mapahamak!” alam kong gusto talaga akong tulungan ni Tuck pero hindi ko naman ilalagay ang buhay nila sa panganib.
“Hindi mo kasi naiintindihan. Oras na hindi ako sumunod sa kanya, oras na ipagsabi ko ‘to may mangyayaring hindi maganda kahit sino sa inyo. Hindi nga tamang sinabi ko ‘to sa’yo.” Napahawak na lang ako sa ulo ko. Kinabahan ako dahil may pinagsabihan akong iba baka mapahamak si aswang o kahit sino.
“Hindi ako naniniwalang malalaman nila ang lahat ng kilos mo. Nang magiging kilos natin. Kaya pumayag ka na lang na tulungan kita. Ako ang bahala. Hindi mo na kailangang makipaghiwalay kay Lex. Sinasaktan mo lang ang sarili mo at alam mo naman kung gaano ‘to kasakit kay Lex. Kausapin mo na sya.” Hindi ko alam kung tatanggapin ko ang alok ni Tuck. Napaisip din ako na imposible nga namang makita nila lahat ng magiging kilos ko. Isa pa ayoko ding di makita si aswang ng matagal. Lalo nang hindi ko kayang makita syang may kasamang lalaki. Sasapakin ko ang balun-balunan nung lalaking yun pag nagkabalikan kami ni aswang. “Ano na?”
“Tsk! Papayag ako pero magiingat ka. Kailangan walang makaalama. Kung magiinvestigate ka wag mong sasabihin ang totoong dahilan. Matinik ‘tong halimaw na ‘to kaya dapat alerto tayo.” Hindi pa man ako nakakapayag ng matagal biglang tumunog ang cellphone ko. “Baka si aswang na ‘to. Magpapaliwanag sa nakita ko kanina.”
“O see, kaya nga mabuti pa magusap na kayo. Puntahan mo na sya ngayon para magkaayos na kayong dalawa.” Hindi ako nakagalaw sa nakita ko. Hindi ako makapaniwala. “Ano na? Uy Zak bakit hindi ka nagsasalita?” iniabot ko sa kanya ang cellphone ko at ipinakita ang video na ipinadala sa’kin. Video naming dalawa ni Tuck na naguusap. “Dito lang ‘to ah!” mabilis tumayo si Tuck at lumabas at sinundan ko naman sya. “Hoy hay*p ka lumabas ka dyan! Wag kang duwag!! G*g* ka! Puro pagtatago lang ang alam mo!!!!” sigaw ng sigaw si Tuck. “Ano lumabas ka!!!”
“Tama na! Tama na!” pag-awat ko sa kanya pero sigaw pa rin sya ng sigaw at nagwawala. “Tama na nga sabi yung cellphone ko baka maibato mo. Akin na nga muna!!” Kinuha ko ang cellphone ko at pumasok ako sa loob. Iniwanan ko sya pero sumunod naman kaagad sya sa’kin.
“Tinatakot lang tayo nyan Zak. Wag kang magpadala.” Sabi nya sa’kin habang naglalakad kami papapsok.
“Hindi mo ba naiintindihan, Tuck? Maling mali na sinabi ko sa’yo. Ngayon naniniwala ka na na nakikita ng halimaw na yun ang lahat ng ginagawa ko? Natin? Ng lahat ng malapit sa’kin. Hindi tama na dahil sa’kin may mapapahamak sa inyo!!!” Magsasalita pa sana sya pero napigilan ko na. “Tama na okay. Walang tutulong sa’kin at wala kang pagsasabihan. Wala kahit sino!!!” kinuha ko ang jacket ko tsaka ako lumabas at nagmotor paalis sa lugar na yun. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya tumigil na lang ako sa tabi ng lake. Bumaba ako sa motor at umupo sa damuhan. Magulo ang utak ko ngayon at gusto kong mapagisa. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang mga pictures namin ni aswang. Namimiss ko na kaagad sya. Maling-mali ang ginaw akong pakikipaghiwalay. Hindi ko pala kaya. Ang sakit na hindi ko sya makausap o makatext lang ng ilang oras. Mas masakit na alam kong nasasaktan din sya ngayon.
“G*go ka goon!!! Kainin ka na sana ng lupa!! Wala kang kasing sama!!!! Mas masama ka pa kay Satan!! Kapag namatay ka hindi ka tatanggapin sa impyerno kasi papalitan mo sya sa trono!!!” Bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko ang boses ni aswang. Galit sya pero ang cute pa rin nya magsalita. “Hindi bato ang puso mo dahil wala kang puso!! Walanghiya ka!! Wala kang kwenta!!!!!!!! Kapag ako nakamove on sa’yo who you ka sa’kin!! Gagantihan kita at papaikutin sa mga kamay ko!!!!” hinahanap ko kung nasaan sya nang may batong tumalsik sa tubig. Nandun pala sya sa tabihan ng malaking puno. Hindi sya makikita agad kasi natatakpan sya ng malaking katawan nung matandang puno na yun. Tumayo ako at dahan-dahan syang nilapitan. Busy sya sa paghahagis ng mga bato sa tubig habang sumisigaw. “Akala ko pa mandin kanina nagselos ka pero ano wala!!! Hindi ka man lang nagtext!! Kasi nakahanap ka na ng iba!! Makita ko lang yang ipinalit mo sa’kin tatarakan ko yan sa tagiliran!! Babalatan ko ang mukha nyan tsaka ko gagawing chicharon!!!”
Hindi ko napigilang matawa. “Grabe ka naman. Ang brutal mo talagang magmahal.” Sabi ko sa kanya at parang gulat na gulat sya na nandun lang din ako nakatayo malapit sa kanya. “Sobra na pala talaga ang galit mo sa’kin. Dati pa ba yan?” Lalapit sana ako sa kanya pero lumayo sya.
“Wag mo kong lapitan.” Pinahid nya ang mga luha nya. “Kapal ng mukha mong magpakita sa’kin.” Nakatalikod lang sya sa’kin.
“Hindi ko naman sinasadyang makita ka. Akala ko nga naiimagine lang kita kasi kanina pa kita iniisip.” Sagot ko sa kanya at hindi sya sumagot. “Ano bang ginagawa mo dito mag-isa, gabi na ah?” pagaalala kong tanong tsaka ako umupo sa tabihan nya.
“Hindi porket nambobola ka pwede mo na akong tabihan. Di mo ba alam na nagmomove on ako!! Kaya pwede umalis ka na. Hindi naman ako nagiisa oh. Ang dami kong kasama. Ayan mga puno, d**o, hangin, tubig, bituin, lamok, ipis!! Marami kami kaya chupeee!!!!!!” itinulak nya ako pero nakatitig lang ako sa kanya. “Ano? Umalis ka na. Wag mong sirain ang pagmomove on ko. Konti na lang nakamove on na ko dumating ka lang eh. Kaya please, I need to be alone!!!” Umusod sya papalayo sa’kin pero hinakawan ko sya.
“Nagmomove on ka ba talaga?” Hindi sya sumagot at nakatingin lang sya sa kamay ko na nakahawak sa kanya. “Bakit ang bilis naman? Sabagay, t*nga ko eh. Dapat talaga kinakalimutan ang tulad ko. Pero ikaw – ikaw kahit ata sa kabilang buhay hindi kita kayang kalimutan.” Magsasalita pa sana sya pero tinakpan ko na ang bibig nya. “Please ako muna pwede.” Bigla kong naalala ang video na sinend sa’kin kanina. Nakabantay sila sa’kin, sa’ming lahat. Kung makikipaghiwalay ako kay aswang hindi ko sya mababantayan. Mas mabuting magkaayos na kami para kahit saan sya magpunta mapoprotektahan ko sya. “Mali ako, okay. Maling mali ang makipaghiwalay sa’yo. Pero gusto kong malaman ko na wala akong babae. Wala kang tatarakan sa tagilian at ichichicharon na mukha dahil ikaw lang ang babae sa buhay ko.” Nakita kong medyo lumalambot na sya. “Tang* lang talaga ako.” Hinawakan ko nang mahigpit ang dalawa nyang kamay at nakitang may sugat. “Napaano ‘to? Bakit ka may sugat?”
“Wala yan. Natusok lang nung bato kasi sobrang higpit ng pagkakawak ko. Pero wala ang sakit nyang kumpara sa sakit ng puso ko. Sobrang higpit na nga ng paghawak ko sa’yo pero nakabitaw ka pa rin.” Inalis nya ang kamay nya sa pagkakahawak ko. “Wag mo na lang sayangin ang oras mo dahil kahit anong sabihin mo hindi ako maniniwala.”
“Alam ko namang hindi ganun kadali pero maniwala ka. Hindi ko kayang hindi ka makausap ng matagal. Tsaka yung nakita kong lalaking kasama mo kanina? Di mo lang alam na pinagbuntungan ko ang Sterke Geest kaya ayun lahat sila tumba!!” sabi ko sa kanya at mukhang nagalala naman sya. “Wag kang magalala gigising din yung mga yun. Ang gusto ko lang ngayon eh makipagayos sa’yo at makipagbalikan.” Mahinahon kong sabi.
“ANO?!! ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO TALAGA NO? SAAN BA GAWA YAN AT SOBRANG TIBAY? MATAPOS MO AKONG SAKTAN! PAIYAKIN! PASIGAWIN DITO MAGISA NA PARANG BALIW GUSTO MONG MAKIPAGBALIKAN? HUH!!! ANG TIGAS MO RIN TALAGA NO!!!!” Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw nya. Lahat na ng laway nya napunta sa mukha ko pero okay lang.
“Bakit ganun na lang kadali sa’yo na kalimutan ako? Bakit ang tigas tigas mo na? Kanina lang tayo naghiwalay! Tapos ngayon nakakapagmove on ka na agad? Ano dahil ba ‘to dun sa Whale na kasama mo kanina ha!! Yung lalaking yun ba?!!!!” ako naman ang sumigaw sa kanya pero bigla nya akong sinampal. Di naman masakit pero di ko lang napigilan ang sarili ko.
“At babaligtarin mo pa ako ngayon? Tsaka sinong Whale? Wala kaming relasyon ni Dale no!!! Utak talangka ka talaga!! Ugh!! Ang tagal tagal na natin hindi mo pa rin mabasa kung anong ibig kong sabihin sa nagmomove on na ako!!!!!!!!” Bigla akong napangiti. “Oh bakit ka nangiti?”
“Matagal na tayo? So tayo na ulit?” At nasampal na naman nya ako ulit. “Sumosobra ka na. Isa pang sampal hahalikan na kita – ” at sinampal nya ulit ako.
“Ano nasaan na yung halik?” tanong nya tsaka ulit ako sinampal. “Ilang sampal ba ha?”
Hindi ko napigilang mapangiti. Lahat ng sakit ay nawala. Pati na rin ang pagaalala. Hindi ako nagakasaya ng oras para halikan sya. Halikan ang aswang ko. “Sorry ha. Hindi na mauulit.” Sabi ko in between our kisses.
“Aba ano ka ganun na lang yun? Ligawan mo muna ako.” Sabi nya sa’kin.
“Huh? Naghahalikan na tayo liligawan pa kita? Ano na lang ang makukuha ko dun?” pagbibiro ko sa kanya.
“Ah ganun? So ayaw mong makuha ang matamis kong oo?” nakayakap na ako sa kanya pero naiwas sya.
“Nakuha ko na yan dati eh. Pero sige na nga. Paghihirapan ko kasi sinaktan naman kita. Pero itago mo yung Whale na yun ha. Kapag nakita ko yun basag mukha nun sa’kin!!” at niyakap ko na sya nang mahigpit tsaka binuhat.
“Dale nga hindi Whale! Bobo mo talaga sa pangalan.” Sabi nya sa’kin at ipinalibot nya ang mga kamay nya sa leeg ko. “Pero galit pa rin ako – at gutom – at pagod – at haggard – ” at hinalikan ko na ulit sya. Ayoko na syang mawala at lalong hindi ako papayag na may mangyari sa kanyang masama. Babantayan ko sya kahit saan sya magpunta.
“Okay lang kaya na dun na ako sa inyo muna tumira?” tanong ko sa kanya.
“What? Why?” tinitigan nya ako. “Ihhh sobra mo akong namiss no?” pangaasar nya at tumango na lang ako. “Hmmmmm siguro pwede pero syempre dun ka sa babang kwarto bawal ka sa second floor. Pero ewan ko kung papayag si papa ngayon kasi baka kung anong isipin nun lalo na kapag wala sila.” Sagot nya sa’kin.
“Hindi nila yun maiisip. Kahit naman di ako dun nakatira kung napunta naman ako dun ng wala sila pwede pa ring may mangyari sa’tin.” Paliwanag ko sa kanya para lang pumayag sya.
“Kapal mo ha. Na sa sa’kin pa rin kung gusto o ayaw ko.” Tinitigan ko sya at napapangiti sya. “Wag mo kong tingnan ng ganyan. Marupok ako!!!”
“Mas lalo ako.” At nagtawanan kami. “Basta gusto kitang bantayan 24/7. Ayokong mawawala ka sa paningin ko okay. Dahil ayokong mawala ka sa buhay ko.” Yumakap sya ng mahigpit sa’kin. Sobrang bilis ng puso ko. Sobrang saya ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa’kin kapag may nangyaring masama kay aswang. Kapag nawala sya. Hindi ko kakayanin.