8
ALEXA
“Hindi ako papayag na sa iisang bahay lang kayo titira ni Zak!!!!” halos isa’t kalahating oras na naming pinagtatalunan ‘to ni kuya Luke. Sinabi ko rin naman kay papa pero ang kondisyon nya eh pagbalik nya dito o kaya kapag may iba kaming kasama at naisip nya si kuya Luke. “Kahit nandito ako hindi ako papayag na magkasama kayo sa bahay. Paano kung wala ako at naiwan kayo dito anong gagawin nyo?”
“Oy kuya ang OA mo. Dito na nga nakatira si Maxi di ba? Ano memory gap?” sagot ko sa kanya habang nakahawak sa braso ni goon.
“Isa pa yung liberated. Mamaya dalhin nun dito ang jowa nya tapos ano kanya kanya na kayo!!!!” Hindi talaga sya tumitigil sa paglakad na akala mo sya ang tatay ko.
“Dude, baduy mo rin no? Kung meron kaming gustong gawin pwede naming gawin kahit hindi dito no.” Sagot ni goon sabay halik sa noo ko.
“Ah ganun!! Ah ganun!!!!” Hinila nya si goon patayo at itinulak sa kabilang upuan. “Ngayong nandito pa nga lang ako kung makapaglampungan kayo wagas na. Paano na lang kung kayong dalawa na lang?” Naiinis nyang tanong. High blood na talaga sya dahil pulang pula na sya sa galit.
“Eh di mas todong lampungan. Alam mo na kung paano yun!!!” sagot ni goon at binato sya ni kuya ng unan sa mukha. “Di na ‘to mabiro. Dude, di kita ta-traydurin!! Sasabihin ko naman sa’yo kung may gagawin kami o wala.” Pangaasar ni goon na kahit ako eh napatawa.
“Tigilan mo ko Zak ha. Wawasakin ko yang mukha mo!!!” Hinambaan nya ng suntok si goon habang ako tawa lang ng tawa. “Isa ka pa Alexa Ciesla Andrade ha!!!” Hala sya tinawag na ako sa buong pangalan. Seryoso na sya.
“Bakit ba kasi over protective mo? Parang di ka pa nagkakajowa sa arte mong yan. Wala ka bang tiwala sa’kin?” nagpapaawa effect naman ako.
Mukhang effective kasi di sya agad nakasagot tsaka sya humarap kay goon. “Sa’yo sis may tiwala ako eh. Pero dito sa gunggoon na ‘to wala!!! Makita ko palang itsura nito masama na ang kutob ko eh.”
“Ang sama mo sa’kin. Di ako ganun dude!” Tumigil na sa pagtawa si goon at parang naiinis na rin sya.
“Tsaka bakit marunong ka pa kay papa ha?” I folded my arms over my chest. “Wag ka na lang lumipat dito goon.”
“Tsk! Hindi pwede aswang. Kasi – kasi dapat mabantayan kita at malaman kong safe ka lang lagi.” Nakatingin si goon ng seryoso sa’kin at alam ko naman na sincere sya.
“Wow, at pangarap mo pang magbodyguard ngayon. Hanep ka din sa mga da-moves mo ha!!!!” nakaharang pa rin si kuya sa gitna namin ni goon.
“Alam mo Luke hindi ‘to biro. Hindi ko lang pwedeng – ” tumingin si goon sa’kin at biglang hininaan ang boses na parang silang dalawa na lang ang naguusap, “ – hindi ko lang pwedeng sabihin ngayon pero tulad pa rin ‘to ng dati. Malalaman mo rin sa takdang panahon.”
“G*go dude!! Tamang panahon!! Sa TV lang yun eh ginaya mo pa. Wag ako!! Wag ako iba na lang!!!!!” hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni goon pero for sure nagdadahilan lang sya para dito makatigil.
“Dadalhin ko si Erin dito bukas at sa mga susunod na araw.” Mahinahong sabi ni goon at napatigil si kuya.
“Kailan ka lilipat dito? Alam mo papaayos ko na yung isang kwarto sa baba para makalipat ka na.” Umakbay pa si kuya kay goon.
#-_-
Tiklop din pala sya pagdating sa babae ganun.
“Salamat! Madali ka naman pala kausap.” Umakbay din si goon sa kanya at nagbolahan na ang dalawa.
“Basta yung usapan ha. Dadalhin mo si Erine dito. Kunyari may house party pero tayo tayo lang.” Yung itsura ni kuya parang nahihiya na di ko maintindihan.
“Oo wala yun. Akong bahala. Basta yung kwarto ko dito sa bahay alam mo na ha.” Sabi ni goon ng bigla syang batukan ni kuya. “Bakit?”
“Ulol ka!! Titigil din ako dito pero sa iisang kwarto tayo magkasama. Para kapag nawala ka alam kong kailangan kong lumabas.” Natawa ako sa sagot ni kuya kasi yung itsura ni goon halatang dismayado. Bakit ba sila takot na takot maiwan kami ni goon? Wala namang mangyayari, well merong mangyayari pero hindi yung di dapat ginagawa ng di mag-asawa.
Napatingin ako sa phone ko. “Naku pupunta pala dito sila Rich. Nagtext oh. Lahat daw sila.” Bigla kong naisip si Jezhi. Di ko na sya naintindi simula nung nagbreak kami ni goon. Sobrang sakit kasi ng nararamdaman ko nun. Kumusta na kaya sya? Sana okay lang sya eengot engot pa naman yun.
“Ay f*ck! Yung pinabibili nga pala nila sa’kin.” Tumayo na si kuya. “Oy Zak samahan mo ako dyan sa labas ng guard house. May kainan dun na masarap. Meron silang iniwan at kanina pa pinapakuha sa’kin!”
“Bakit di na lang sila ang dumaan? Dun din naman ang daan nila.” Humiga si goon sa sofa at umarteng tinatamad. Alam kong gusto nya lang maiwan kasama ako.
“Nasa akin ang resibo ungas ka talaga!!! Tumayo ka na dyan!” Piningot ni kuya si goon para tumayo.
“Paano si aswang? Isama na lang natin.” Nakatingin si goon sa’kin at nasenyas na sumama ako.
“Ayoko. Intayin ko na lang kayo dito. Bili mo ko ng masarap dun.” Sumandal lang ako sa sofa para ipakitang ayokong sumama.
“Naghahanap pa ng masarap nandito naman ako.” Pagbibiro nya at siniko sya ni kuya. “Sinong kasama mo dito?”
“May maids naman dyan sa loob. Don’t worry di naman kayo aabutin ng limang taon dun!!!” humiga na ako sa sofa at niyakap ang throw pillow. Humalik si goon sa noo ko tsaka sila umalis. Narinig kong umalis na ang sasakyan ni kuya Luke nang tumunog ang phone ko at unknown number lang. Di ko sana sasagutin kaso baka emergency. “Hello? Who’s this?”
[Uhm, Alexa si – si Dale ‘to. New – new number ko nga pala.]
“Oh Dale bakit?” mabuti na lang pala sinagot ko.
[Uhm kasi di ba dapat magkikita tayo ngayon sa cafeteria para dun sa – sa reviewer na ibibigay mo dapat about sa napagaralan natin nung nakaraan.] Mahina ang boses nya na parang nahihiya.
Napabalikwas ako dahil naalala ko ang sinasabi nya. “Ay oo nga pala. Sorry nakalimutan ko. Kasi naman ang tagal naming nagusap dito nila kuya. Uhm teka, paano ko ba mabibigay sa’yo.” Napahawak ako sa noo ko. “Nasa cafeteria ka ba?”
[Kanina kasi mga isang oras ako dun. Pero umalis na ako.]
“Naku sorry ha. Nakalimutan ko talaga. Wait lang ha. Iisipin ko paano ko mabibigay sa’yo.” Tumingin ako sa labas at nandun ang mga sasakyan. “Tsk! Di naman kasi ako papayagan umalis mag-isa. Kailangan mo na ba agad?” Nakakahiya naman. Hindi ako nakasipot kasi na-carried away ako sa usapan namin nila goon.
[Oo sana kasi bukas ng umaga first subject ko yun. Gusto mo puntahan ko na lang sa inyo tutal sandali lang naman yun.]
“Naku nakakahiya naman. Okay lang ba sa’yong puntahan na lang dito yung reviewers?” tanong ko sa kanya at umakyat ako sa taas para ihanda ang reviewers na ginawa ko para sa kanya.
[Ayos lang naman. Kaso hindi ko alam kung saan yun.]
“Ah don’t worry. Itetext ko sa’yo yung direction from the cafeteria ha. Baka makita mo sila kuya tsaka yung boyfriend ko sa may guard house sumabay ka na lang.” Sagot ko sa kanya.
[Boyfriend?]
“Ha? Oo boyfriend. Kami na ulit. O paano isesend ko na yung address at direction ha. Sige, bye.” Ibinaba ko na kaagad ang phone at itinext sa kanya ang address. Binaba ko sandali ang phone at gumamit muna ako ng restroom. Paglabas ko ng restroom biglang may nagdoorbell. Hindi naman magdodoorbell yun sila Rich. Garapalan ang ugali nung mga yun kaya nagtataka ako sinong nagdodoorbell. “Ate!” tawag ko sa mga maids. Siguro busy kaya di pa nabubuksan ang gate. “Ako na!!!” Sigaw ko para di na sila umalis sa ginagawa nila. Mabilis akong lumabas para buksan ang gate at nagulat ako na nakita ko dun si Dale. “Dale, wow! Ang – ang bilis mo ah.” Sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa labas para tingnan kung sumabay sya kina goon. “Nakita mo ba sila kuya?”
“Ah, hindi. Malapit lang naman kaya dumiretso na ako dito.” Sagot ni Dale at diretso lang syang nakatingin sa’kin.
“Oh, I see.” Napatitig lang din ako sa kanya.
“So – ready na ba yung reviewers?” tanong nya at naalala ko ang dapat kong ibigay sa kanya.
“Right, uhm pasok ka muna. Nandun kasi sa table naipatong ko.” Pinapasok ko sya sa loob at kinuha ang reviewers sa table. “Ito na yung reviewers – Dale? Dale?” Nawala sya sa likuran ko. Siguro hindi sya sumunod kaya lumabas ulit ako. “Dale?” Tumingin ako sa kaliwat kanan pero wala sya. “Hala saan naman kaya nagpunta yun?”
“Alexa.” Napatalon ako sa gulat ng magsalita sya mula sa likuran ok.
“Dale my gosh!! Saan ka ba galing? Ginugulat mo naman ako!!!” Nakahawak ako sa dibdib ko habang nakaharap sa kanya.
“Para kasing may nakita ako dung lalaking nakasilip sa bakod kaya tiningnan ko, pero wala pala.” Sagot nya sa’kin. “Ito na ba yung reviewers? Salamat ha.” Kinuha nya ang hawak ko tsaka lumabas. “Sige, aalis na ako.”
“Okay, ingat.” Tumingin ako sa bakod na sinasabi nya at inisip kung paano makakaakyat ang isang tao dun eh sobrang taas nun. Siguro namalikmata yun si Dale. Bahala na nga sya.
Pumasok na ako ulit at tinext si goon para itanong kung gaano pa sila katagal kaya lang tumunog ang phone nya sa loob kaya hinanap ko sya sa sala. Sinubukan kong patunugin at nakita ko sa sulok ng sofa. “Ay di nagdala ng cellphone. Si kuya na nga lang itetext ko.” Itinext ko si kuya tsaka ko kinalikot ang cellphone ni goon. “Hala loko ‘tong si goon. Inistalk pala ako.” Nakita ko kasi na nakasave sa phone nya ang mga pictures ko simula kaninang umaga. “Teka, ngayon lang ba ‘to?” Nakita ko ang sarili ko at si Dale na naguusap sa gate. “Loko ‘tong mga ‘to. Pinagtitripan pa ako.”
“O sinong kausap mo dyan?” dumating na pala sila kuya ng di ko namamalayan.
“Hoy kayong dalawa ha! Ang lakas ng trip nyo!!!! Bakit nyo ako vinideohan?!!!” bungad ko sa kanila.
“Anong sinasabi mo?” tanong ni goon tsaka inilapag ang binili nya. “Ayan o ice cream.”
“Bakit ako may video sa phone mo? Naka-autosave ka oh. Meaning lahat ng isesend sayo masesave so bakit nga ako nandito? Lakas din ng trip nyo no?!!!” Ipinakita ko ang video kay goon at mabilis nya ‘tong kinuha.
“Sino ‘tong kausap mo? Kailan ‘to?” di ko alam kung bakit parang nagpanic sya. “Dun ‘to sa labas.” Mabilis syang tumakbo palabas kaya naman sinundan namin sya.
“What’s wrong? Kanina lang yan nung nagpunta si Dale dito para kunin yung reviewers. Wala pa kayo nyan. Bakit ba?” tumingin lang si goon sa paligid pati sa mga poste. “Anong nangyayari? Are you saying na hindi kayo ang kumuha ng video?”
“Hindi kami, Lex.” Sagot ni kuya at nakatingin lang sya kay goon na parang may naisip pero di ko maitanong kung ano. “Mabuti pa pumasok ka na sa loob. Susunod kami ni Zak. Maglock ka ng pinto.”
“Huh? Bakit ako maglalock ng pinto?” Di sya sumagot kaya pumasok na lang ako. Di ko alam kung anong nangyayari pero sana di naman sya something serious.
“Sinabi ng maglock ka ng pinto!!!” sigaw ni kuya sa’kin pagpasok nila.
“Nandyan naman kayo. Tsaka di kayo makakapasok kung nilock ko yan. What’s going on ba? Ako napapraning na sa inyo ha. Tell me what’s happening!” Nakakainis yung umaarte sila ng ganun tapos di mo alam kung anong dahilan.
“Pumasok ba si Dale dito? Wala ba kayong nakitang kakaiba?” tanong ni goon. Tahimik sya na tinitingnan lahat ng nasa phone nya.
“Oo, pinapasok ko sya kaya lang bigla syang nawala sa likuran ko. Sabi nya may nakita daw sya dun sa may bakod. Akala nya ata nasilip pero nawala din. I know weird kasi wala namang kayang umakyat dun sa bakod kaya di ko na lang pinansin.” Sagot ko sa kanila at sinimulang kainin ang ice cream.
“Wag kang aalis ng bahay magisa okay. Isama mo ako or si Zak basta lalaki. Naiintindihan mo?” Weird ni kuya at parang naging si goon na din. “Sasabihin ko kay papa na kumuha ng guards para sa’yo.”
“Naman kuya!! Talo ko pa anak ng presidente sa totoo lang. Wag ganun! Enough na kayong lahat. Tsaka wala lang yun. Siguro stalker lang na walang magawa. Bayaan nyo na okay. Mabuti pa kumain na lang tayo. Tsaka ipahanda nyo na yung table sa pool area padating na mga yun. Magbibihis lang ako.” Tumayo ako para magbihis at sabay silang humawak sa kamay ko. “Seriously? Don’t tell me sasama pa kayo sa loob?”
“Just make sure the windows are locked tsaka ibaba mo ang curtains mo. Wag kang magbubukas ng ilaw.” Paalala ni goon.
“No. Kunin mo yung damit mo at dito ka magbihis sa baba. Dyan sa restroom sa may hagdanan. Siguradong walang makakakita sayo dyand dahil wala namang bintana dyan.” Utos ni kuya sa’kin.
“Kayong dalawa kapag di kayo tumigil sa pagiging OA ha sisipain ko na kayo palabas!!! Nakakairita!! Nandito naman ako sa sarili kong pamamahay!!” Tumalikod ako at umakyat na papunta sa kwarto ko. Nakita ko silang naguusap at parang seryoso ang usapan nila. Ano kayang meron? Meron kayang gustong kumidnap sa’kin? Pero bakit naman? Kasi mayaman ako? Maganda ako? Matalino? Sexy? Dyosa? Ay sobra palang daming dahilan talaga. Dapat talagang magingat pero sana malaman ko rin yung dahilan. Bahala na. Mas gusto kong magenjoy ngayon at magcelebrate dahil pumayag na silang dito tumira si goon sa ngayon.