15 ALEXA Hindi kami umalis sa ospital hangga't hindi lumalabas ang doktor. "Sino ang kamag-anak ng pasyente?" Lahat kami ay tumayo at lumapit sa doctor. "Wala pa po ang papa nya pero ako po ang fiancé nya." Wala din naman ang papa ko na totoo nyang papa para pumunta dito. Sana pumayag si dok kahit walang kamag-anak. "Ano na po bang nangyari kay goon – Zak?" Nanginginig ako at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko nasa panganib sya. "There's nothing to worry about. Lumabas na ang results ng tests at wala naman akong nakitang problema aside sa pagkakaroon nya ng selective amnesia." Halos maiyak ako sa sinabi nya dahil wala namang malalang sakit si goon pero yung mayroon syang amnesia – nangyari na yun sa'kin dati at hindi sya naging madali. "May mga ilang bagay lang s

