14 ALEXA "Sigurado bang ito yung sinasabi ni Tuck na port?" Medyo malayo pa kami sa mismong tabihan dahil sa malayo kami nagpark. "Hindi 'to safe para kay goon. Walang makakaalam na may nangyari na sa kanya sa ganitong lugar." Nauuna akong maglakad pero hinawakan ako ni kuya. "Kuya, sasama ako." Tiningnan ko sya at pinakitang seryoso ako sa sinasabi ko. "Alam ko pero hindi tayo pwedeng sumulpot lang agad." Tumingin sya sa paligid at hinila ako sa tabihan at umupo kami at nagtago sa malalaking drums na nandun. "We need to plan. Hindi pwedeng susugod tayo dun at papasukin sila baka mapahamak lang lalo si – " napatigil sya dahil may narinig kaming sumisigaw, " – anak ng – Rich yung syota mo!!" "Maxi – " papatayo ako pero pinigilan ako ni Rich, " – hahayaan mo na lang ang pinsan ko dun?" P

