13 ALEXA "Ano bang nangyari? Hindi kita maintindihan sa phone kaya umuwi ako agad!!!!" Sinusubukan akong pakalmahin ni Maxi dahil sya lang ang natawagan ko kaagad nung umalis si goon. "Pwede ba mamaya ka na umiyak at magkwento ka muna?!!!" Nakaupo lang sya habang ako eh palakad-lakad dahil nagiisip ako. "Sis!!!" nagulat ako nang sumulpot din si Jezhi at bigla akong niyakap. "Oh my gosh Maxi anong ginawa mo sa bff ko?!!!!!" Tumingin sya ng masama sa pinsan ko. "Why me? Ako nga nagpapunta sa inyo dito di ba?!!! Nasaan na ba ang mga boyfriends nyo?!!!" Nakapamewang na sya at nakatingin sa bagong dating na sina Erine at Jezhi. "Kakakausap ko lang kay Luke." Mahinang sabi ni Erine habang inilalagay ang phone nya sa bulsa. Well mahina talaga magsalita, masyadong mahinhin. "May sasabihin daw

