10 ALEXA [Bakit kasi ngayon mo pa naisipang magshopping sis? Di tuloy kita nasamahan!] Nagvivideo call kami nitong si Jezhi. “Don’t worry bff ng pinsan ko nandito naman ako para samahan sya.” Sumulpot ang ulo ni Maxi sa tabihan ko pero itinulak ko kaagad palayo. [Hay naku sis didiretso ako talaga sa inyo paguwi ko galing dito sa family reunion namin.] “Take your time sis. Okay lang naman ako.” Ngumiti ako sa kanya. Ano nga ba ang definition ko ng salitang okay? [Kilala kita sis. Kapag nagsashopping ka ibig sabihin may gusto kang kalimutan.] “Hindi ako nagsa-shopping no. Naggo-grocery ako. Gusto ko kasing magluto ng maraming marami!!!!” I rolled my eyes. Pero tama sya, nililibang ko lang talaga ang sarili ko. [Nag-usap na b

