11 ALEXA “Ayoko na talaga.” Nakahandusay na sa sahig si Erine. “Sis ang tagal na natin ‘tong ginagawa pero pakiramdam ko palaging first time.” Nagapang naman si Jezhi papunta sa upuan. “Ano ba naman kayo?!! Hindi pa ba kayo nasanay? Dapat nga batak na yang katawan nyo kasi matagal na natin ‘tong ginagawa!” Ito ang tinatawag kong secret training. Ang totoo ako lang talaga ang may balak magtuto ng self defense kaya naisip ko na dapat isama ko si Jezhi dahil hindi malabong mangyari sa kanya ang nangyari sa’min ni Maxi at siguradong ipaghihiganti sya ni Val na kasama ang buong Sterke Geest. “Kayo na lang ang magtuloy. Promise hindi ko na talaga kaya.” Tumayo si Erine dala ang kanyang bag at papalabas na ng pintuan pero hinarang ko sya. “Sorry Alexa pero hi

