Hindi na mapakali si Pio simula pa lang kaninang kinausap s’ya ng masinsinan ng Papa ni Quin. Nahuli sila nito sa isang awkward na posisyon sa waiting shed habang nagpapatila ng ulan para makauwi. Kaya nagulat pa s’ya nang madatnan n’ya ito sa bahay nila na kausap ang Tatay n’ya. Base sa tingin ng mga ito sa kanya ay parang hindi s’ya hahayaang makaalis ng mga ito ng hindi nagsasabi ng totoo. Sa totoo lang ay hindi n’ya alam kung saan s’ya nakakuha ng lakas ng loob na sabihin dito na liligawan n’ya ang anak nito samantalang ni hindi n’ya alam kung paanong magtatapat ng feelings n’ya kay Quin ng hindi s’ya nito pinagdududahan sa totoong pakay n’ya. He likes her. Matagal tagal na rin nang aminin at makumpira n’ya mismo sa sarili ang katotohanang iyon. He gave himself enough time to think abo

