Sa bar kung saan madalas n’yang puntahan tumuloy si Pio matapos n’yang maihatid si Melissa sa bahay nito na hindi rin naman kalayuan sa bahay nila. Pauwi na sana s’ya sa bahay nang hindi sinasadyang mamataan n’ya sina Marco at Cathy na huminto sa isang exclusive restaurant hindi kalayuan sa subdivision kung saan nakatira si Cathy. Alam na alam n’ya ang bahay nito dahil hindi lang naman isang beses na nakapunta na s’ya doon kasama ang mga co teachers nila sa tuwing mag bibirthday ito. Hindi n’ya pinansin ang mga ito at pinaharurot lang ang motor dahil nakapag desisyon na s’yang hindi na makikialam sa kahit na anong problema ng mga ito. Alam n’yang hindi rin naman s’ya paniniwalaan ni Quin kung s’ya mismo ang magsasabi dito tungkol sa kalokohang ginagawa ng nobyo nito at ni Cathy. Isa pa, ba

