Pagkalabas ni Pio galing sa bar kasama ang babaeng nakilala n’ya bilang si Jessa ay kaagad na tinungo nila ang motor n’ya at balak sana n’ya itong dalhin sa pinaka malapit na apartel sa lugar na ‘yon pero tumanggi ang babae. “My place is just near here, Marco. Come on, I’ll show you the way,” yaya nito sa kanya at halos kaladkarin na s’ya papasakay sa motor. Napangisi s’ya at wala ng pag aalinlangang sumakay sa motor at pinaharurot iyon papunta sa lugar na sinasabi nito. Pagdating nila sa hindi gano’n kalakihang studio type apartment ay napatunayan n’yang estudyante pa lang talaga ito at umuupa lang doon. Sinabi nitong nasa malayo ang probinsya nito at ang kapatid nito na nasa syudad ang nagpapaaral dito. Sa sinabi nito ay parang biglang sumagi sa isip n’ya ang kapatid n’yang si Paye na

