Bangungot

1227 Words

Natapos na at lahat ang oras ng hapunan nila Quin ay hindi pa rin s’ya nakakarecieve ng kahit na text man lang galing kay Marco. Inaasahan n’yang tatawag ito dahil sinabi naman nito kanina na mag uusap sila. Wala nga lang itong sinabing oras kaya todo pigil s’ya sa pagsesend ng message o pagsubok na tawagan ito. Kanina pa s’ya pabalik balik sa kwarto para i-check ang phone n’yang kasalukuyang naka charge dahil nililibang n’ya ang sarili sa pagsamang manood ng cartoons kasama ang kapatid n’yang si Quim. Dismayadong nailapag n’ya ang phone nang makitang wala pa ring kahit na isang miscalls o texts man lang si Marco para sa kanya. Laglag ang mga balikat na bumaba s’ya bumalik sa panonood pero ilang sandali pa lang s’yang nakakaupo doon ay wala talagang laman ang isip n’ya kung hindi si Marco.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD