“Ano na, Pre? Nagreply na ba si Quin?” Wala sa sariling tanong ni Pio kay Fred na kasama n’yang nanonood ngayon. Mula sa pinapanood nilang horror movie na kanina n’ya pa hindi naiintindihan ay nilingon s’ya ni Fred na natigil sa pagsubo ng pinapapak nitong popcorn. “Bakit? Ka-text ko ba si Quin?” Takang tanong nito kaya gulat na gulat s’ya dahil binabanggit na naman nito si Quin. Kanina ay panay ang banggit ng mga ito kay Quin hanggang sa umuwi na si Robie dahil sa inip sa kahihintay kay Quin na mukhang nagliwaliw na kasama ang mayabang na si Marco. Napabangon kaagad s’ya mula sa pagkakahiga n’ya sa couch at agad na binato ito ng cushion na yakap yakap n’ya kanina. “Aray! Bakit ka ba nambabato d’yan?” Reklamo nito na ibinababa ang popcorn na hawak hawak at saka pinulot ang unan na ibinat

