Lunes at kakatapos lang ng last period ni Pio sa umaga at kasalukuyan lang nilang hinihintay ni Robie si Fred sa tinatapos nitong kung ano sa table nito bago sila sabay sabay na mag lunch. Lunes na lunes ay hindi pumasok si Quin. Buong weekend din n’ya itong inabangan na lumabas sa lungga nito pero wala s’yang napala. Ang sabi ng kapatid nitong si Quiel ay nagkukulong daw sa kwarto nito ang Ate nito kaya hindi na s’ya nagtaka na pagkatapos n’ya itong maihatid noong gabing muntik na itong mapahamak sa labas ng bar ay hindi na n’ya nasilayan ang pagmumukha nito. At ang hindi nag papa tahimik sa kanya ay ang kumakalat na balita ngayon sa buong school na hindi daw talaga si Quin ang totoong girlfriend ni Marco kung hindi ay si Cathy. Kung sino at kanino man galing ang kalokohang balita na iyo

