Habang busy ang lahat sa paghahanda para sa celebration ng birthday ng Papa n’ya ay kanina pa wala sa sarili si Quin. Pabalik balik ang isip n’ya sa nangyari kanina sa grocery nang samahan s’ya ni Pio na mag grocery. Kung iisipin n’ya ay iyon ang unang beses na lumabas sila ng magkasama na silang dalawa lang. Madalas din naman n’ya itong nakakasamang lumabas pero madalas ay apat sila, kasama syempre sina Robie at Fred. Minsan naman ay isinasama ito ng Mama at Papa n’ya para maka palitan ng Papa n’ya sa pag da drive lalo na kapag umuuwi sila sa probinsya ng Papa n’ya sa Ilocos. At sa kauna unahang pagkakataon ay kanina lang yata sila nagbangayan tungkol sa suot n’ya. Nawiwirduhan s’ya sa ikinilos nito kanina pero hindi n’ya rin maintindihan kung bakit para s’yang lumulutang kapag naaalala n

