Kahit na hindi nakatingin si Pio kay Quin at naka focus lang ang tingin n’ya sa harapan at sa pagmamaneho ay ramdam na ramdam n’ya ang nakamamatay na tingin na ipinupukol nito sa kanya kanina pa. Kung bakit naman kasi napakahilig nitong manakit at lapit lapitan s’ya! Hindi naman n’ya sinasadyang mahawakan ang dibdib nito pero pakiramdam nito ay sinadya n’ya iyong hawakan! Just what the hell? Sa pagdaan ng isang linggo na inakala n’yang naiganti na n’ya ito kay Marco dahil sa ginawang panloloko dito ay hindi pa rin ito nawala sa isip n’ya. Sa katunayan ay noong isang linggo itong hindi pumasok sa trabaho at hindi n’ya nakikita dahil mukhang nagkukulong sa kwarto ay hindi n’ya alam kung bakit mas napadalas ang pagdalaw nito sa isip n’ya. Palagi n’yang naiisip kung okay lang ito. At ang nak

