72. Galit si Misis kong masarap.

2015 Words

"Putang-ina pumayag ka na tamaan ka ng suntok?" natatawang tudyo ni Blue sa akin habang tinitingnan niya kung paano gamutin ni Stella ang pasa ko sa aking mukha. "Hindi ko nailagan, ano'ng magagawa ko?" inis na sabi ko naman habang ngumingiwi. "Ouch, darling!" Napapitlag pa ako ng bahagya nang diinan ni Stella ang pagdikit ng bulak sa aking pasa. "Darling, hinay-hinay naman. Masakit," sabi ko sabay puppy eyes. Hindi ko nailagan ang suntok ni Ysrael sa panga ko dahil hindi ko rin inaasahan na kaagad siyang makakabangon pagkatapos ko siyang patumbahin gamit ang kamao ko. Akala ko nawalan ng malay ang loko ngunit hindi pala. Humanap lang siya ng tiyempo para makasuntok sa akin. "Mang-aagaw ka, Uncle! Sarili mong pamangkin inagawan mo ng babae!" marahas niyang sabi sabay suntok sa panga ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD