Nakita kong nakapikit si Stella sa buong biyahe namin pauwi ng mansion. Nakahawak ako sa baywang niya habang siya naman ay nakasandig sa akin at nakapatong ang ulo niya sa aking balikat. Hindi pa siya tulog alam ko dahil magalaw pa siya at bumubukas ang mga mata niya kapag humihinto kami dahil sa traffic. Isa pa, kita ko na wala siya sa mood kanina bago kami pumasok ng kotse. Hindi niya ako iniimik hanggang sa makaalis na kami. Kay siguro mas pinili niyang manahimik at pumikit na lang. Nang umalis si Blue sa office ko pagkatapos ng aming pag-uusap tungkol sa proposal niya na kanina lang namin napag-usapan. Nanahimik na siya at tila nahulog sa malalim na pag-iisip. Hindi ako nagtangka na kausapin siya. Hindi ko nais na muling magalit siya sa akin kaya nanahimik na lang din ako. Kung nasa

