Calista AGAD AKONG nagpunta sa bahay ng mga De Laurentis upang malaman kung anong nangyari kay Mama. “Nasaan ang Mama ko?” Pumasok ako sa loob ng bahay at agad na hinanap si Mama. Baka itinatago lang ni Tito sa akin si Mama. Baka tama talaga ang kutob ko na may hindi magandang nangyayari sa loob ng bahay na ito. Nakita ko na may kausap si Tito Romeo. Walang pagdadalawang-isip akong lumapit sa kanya upang malaman sana kung nasaan si Mama. “Nasaan si Mama?” Nilingon niya ako. May kung anong galit sa kanyang mga mata na hindi ko maintindihan. Hindi niya agad ako sinagot at nagpatuloy na makipag-usap sa isang lalaki. Nang matapos sila ay nagpaalam ang lalaki bago umalis. “Hindi ko rin alam, Calista. Hinahanap ko rin ang mama mo.” Marahas siyang nagpakawala ng kanyang paghinga at umil

