Calista HINDI AKO makapag-isip nang maayos. Nabablangko ang aking isipan sa aking narinig. Madilim at nakakakilabot pa ring nakatingin si Tito Romeo sa akin. The man my mother married when my father died; The man who killed my father. Ayaw tanggapin iyon ng utak ko, na all this time ay kasama lang pala namin at malapit lang sa amin ang taong tumapos sa buhay ng aking ama. Hindi ako makapaniwala na nasa tabi lang namin siya at minsan ko pang nakasama sa iisang bahay. Did my mother know? Nagpakasal siya rito, hindi ba? May relasyon sila noon at hindi lamang magawang malayang magkasama nang dahil sa kani-kanilang pamilya. Paano kung…may alam si Mama. Napatakip ako sa aking bibig. Hindi ko gusto ang mga ideya na napasok sa isipan ko. Hindi ko dapat pinag-iisipan nang masama ang aking in

