KABANATA 81

2478 Words

Calista NAKAUSAP KO na naman si Rage kanina. Sinabi niya sa akin na uuwi siya at maayos naman ang lagay niya. Sinabi niya rin sa akin na huwag na siyang hintayin pa dahil nga baka gabihin ito. Halos magdadalawang oras na ang lumipas simula nang makausap ko siya. Kahit gustuhin kong matulog at magpahinga, hindi ko magawa. Gusto kong makita si Rage. Gusto ko na maramdaman siya rito sa tabi ko. Hindi ako pinapatahimik ng mga kaisipan na maaaring may hindi magandang mangyari sa kanya, lalo na’t hindi pa nahahanap si Tito Romeo. Naalala ko ang mga binitawang salita ni Rage. Sinabi niya na hindi siya tunay na anak ni Tito Romeo. Hindi ko pa ganoong maintindihan ang mga nangyayari pero hihintayin kong maipaliwanaag ni Rage ang lahat sa akin. May kumatok sa pinto. Naandito pa rin kami sa bahay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD