GABBIE Ang buong akala ko talaga ay importante talaga ang ipinunta nila dito pero iinom lang naman pala sila. Hindi na daw kasi sumasama sa kanila ang asawa ko kaya sila na ang pumunta dito. Hindi naman ako kontrabida kaya hinayaan ko na. Gusto sana ng asawa ko na sumabay ako sa kanila pero ayaw ko. Sa tingin ko kasi ay out of place ako sa kanila. Baka hindi ako makasabay sa mga biro nila. Nandito rin si Shermaine at may mga kasama siyang ibang mga babae na halatang kasing arte rin niya. Pumasok na lang ako sa loob ng kusina para tumulong sa pagluluto ng pulutan nila. Habang nagluluto ay kumakain naman ako. “Bakit hindi ka sumama sa kanila, anak?” tanong sa akin ni mama. “Ayaw ko po, mama. Hindi po ako sanay sa large circle. Dalawa lang po kasi ang kaibigan ko,” sagot ko sa kanya. “Pa

