bc

YORME, RACE ADLER (SPG)

book_age18+
224
FOLLOW
2.2K
READ
billionaire
age gap
opposites attract
playboy
powerful
heir/heiress
sweet
bxg
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

“Ikaw ang pinaka-pangit na babaero na nakita ko sa tanang buhay ko!”

Pumasok na kasambahay si Gabbie Silang sa pamilya Dela Vega.. Ang pamilya ni Governor Adam Sebastian Dela Vega. Maayos at masaya ang buhay niya sa trabaho pero bigla na lang nagbago nang makilala niya si Race Adler Dela Vega ang anak ng kanyang amo at isa itong Mayor sa bayan nila.

Sa unang pagkikita pa lang nila ay hindi na agad maganda ang nangyari sa kanilang dalawa. Lalo pa kilala at sikat na babaero ang mayor na ito. Ano kaya ang mangyayari kung magsasama pa ang dalawa sa iisang bahay? At ano kaya ang sikreto na matutuklasan nila sa isa’t isa?

chap-preview
Free preview
C1
WARNING: MATURE CONTENT NINONG GOVERNOR’S TWINS (SEQUEL OF NINONG GOVERNOR) GABBIE “Iha, sure ka ba na papasok ka sa amin bilang katulong?” nakangiti na tanong sa akin ni Mrs. Dela Vega. “Opo, Madam.” “Para kasing hindi ka naman bagay maging katulong. Gusto mo bang maging asawa na lang ng anak ko?” tanong niya sa akin kaya bigla na lang akong inubo. “Po?” “Nagbibiro lang ako, iha. Pero kung talagang gusto mo na dito ka sa amin ay sige. Tatanggapin kita, kulang rin kami ng isang tao dito eh,” nakangiti na sabi niya kaya napangiti ako. Ang ganda niya tapos ang bait pa niya. “Tanggap na po ba ako?” “Yes, iha. Tanggap ka na, at magsisimula ka na rin agad,” nakangiti na sabi niya sa akin kaya napangiti ako. “Thank you po, madam,” sabi ko sa kanya. “Ilang taon ka na ba?” “Twenty eight po,” sagot ko sa kanya. “Twenty eight ka na? Ayy tama, twenty na nga,” sabi niya sa akin kaya kumunot ang noo ko. “Po?” “Wala, sige na doon sa taas ang room mo,” sagot niya sa akin. “Bakit po sa taas?” nagtataka na tanong ko sa kanya dahil ang alam ko laging nasa baba ang room ng mga katulong. “Ayaw mo ba sa taas?” “Okay lang po ba kung dito na lang po ako sa baba. Katulong po ako at hindi po ako bisita dito,” sabi ko sa kanya. “Pasensya ka na, iha. Nakalimutan ko,” sabi niya sa akin kaya napangiti ako. “Madam, ganun po ba ako kaganda para hindi ako bagay na maging katulong niyo?” nakangiti na tanong ko sa kanya at may kasama pa itong biro. “Oo, ang ganda mo,” sabi niya sa akin. “Hindi naman po, madam. Baka dahil lang po ito sa rejuv na gamit ko,” natatawa na sabi niya sa akin. “Ang ganda ng mga mata mo. Bunos na lang ang makinis mong balat sa pagiging maganda mo dahil ang tunay na maganda sa ‘yo ay ang mga mata mo,” sabi niya sa akin. “Buntis ka po ba?” tanong ko sa kanya pero tumawa siya. “Jusko po! Jusko kang bata ka. Matanda na ako at matanda na ang asawa ko kaya hindi, marami na rin kaming anak. Baka magalit na sila kapag nagdagdag pa ako,” sabi niya sa akin kaya napangiti ako. “Kahit po may edad ka na po ay ang ganda mo pa rin po. Tapos si Gov po kahit na senior na po ay gwapo at malakas pa rin po, hindi po halata sa inyo ang edad niyo, sabi ko sa kanya. “Inaalagaan kasi ng asawa ko ang sarili niya dahil nais pa niya kaming makasama ng matagal,” nakangiti na sabi niya sa akin. “Tama po ‘yan, Madam.” “At ganun ka rin, alagaan mo rin ang sarili mo dahil ikaw ang mag-aalaga sa anak ko,” natatawa na sabi niya kaya napangiti na lang ako dahil palabiro talaga siya. “Sinong anak po ba ang tinutukoy mo, madam?” curious na tanong ko dahil kanina pa niya ako inaasar. “Si Adler, 33 na kasi siya pero hindi pa rin nagtitino. Manang-mana talaga sa pinagmanahan niya. Gusto ko ng mag-asawa ang isang ‘yon,” sabi niya. “Ahh, Si Yorme po pala na babaero. Naku po, ayaw ko po sa babaero, Madam.” “Hindi pa kasi niya nakikilala ang babaeng magpapatino sa kanya. Pero sa tingin ko ay dumating na ngayon,” nakangiti na sabi niya sa akin. “Naku, hindi ko po siya type, Madam. Mahirap man po ako pero hindi ko talaga siya gusto. Ang katulad po niya ang dapat na iniiwasan ng mga kababaihan,” sabi ko sa kanya. “Ikaw talaga ang kailangan ko.” natatawa na sabi niya. “Madam, mas gugustuhin ko pa pong maglinis ng buong bahay na ito kaysa po makausap ang anak mo. Sorry po, sikat si Yorme pero ayaw ko po sa kanya–” “At sino naman ang may sabi na gusto kita?” “Anak, you’re here na,” nakangiti na sabi ni Madam kaya ako itong hindi alam kung aalis na ba o hindi. Lumapit siya sa anak niya at ako pa rin itong nakatalikod sa kanila. Hindi ko naman kasi sinasadya na marinig pala niya ako. Pero bakit naman ako aalis eh totoo naman ang sinasabi ko. “Sino ba ang babaeng ‘yan, mom?” narinig ko na tanong niya kay Madam. “Si Gabbie, anak. Bago nating katulong,” sagot ni Madam. “Ohh, a maid? Ang lakas naman ng loob niya na sabihin sa akin ang ganun,” sabi pa niya. “Nagbibiro lang si Gabbie, anak. Inaasar ko kasi siya na gusto ko siyang maging anak na lang kaysa maging katulong dito sa bahay,” sabi pa ni madam. “Marami ka ng anak, mom kaya hindi mo na kailangan na magdagdag pa at kung katulad lang naman niya ay ‘wag na. I don’t like her–” Nagulat ako dahil bigla na lang akong pinaharap sa kanya ni Madam. “She’s beautiful diba, anak? Bagay kayong dalawa,” sabi ni madam na talagang masaya pa. “Isang kalokohan ‘yan, mom. She’s not even pretty. Hindi siya pasok sa standards ko. Ako kaya ang pinakagwapong mayor sa buong Pilipinas. Kaya –” “Likewise po, hindi rin naman ikaw ang type ko,” sabi ko sa kanya at tinaasan ko pa siya ng kilay. “Mom, ang bastos ng bago mong katulong. Sumasagot-sagot sa boss niya,” sabi pa ni Yorme Adler. “Hindi naman ikaw ang boss ko. Si Madam ang boss ko,” sabi ko sa kanya. “Mom, see kung gaano siya ka bastos sa akin–” “May gagawin pa pala ako. Bahala na kayong dalawa,” sabi ni Madam at bigla na lang itong umalis. “Hindi ko alam kung bakit ka ba tinanggap ni mommy dito pero sure ako na hindi magiging madali ang buhay mo dito, babae,” sabi niya sa akin. “Hindi mo ako matatakot, yorme.” “Will see,” sabi niya sa akin. “Hindi ka lang pala babaero, pangit rin pala ang ugali mo. Hindi ko alam kung bakit ka ba nila ibinoto kung ganyan ka lang pala. Ang sama ng ugali mo, kasing sama ng mukha mo,” sabi ko sa kanya kaya mabilis na dumilim ang mukha niya. “What did you say?” “Ang alin? Ang pangit ka?” tanong ko sa kanya. “Ako, pangit? Ang lakas naman ng loob mo na laitin ako,” sabi niya sa akin. “Ikaw ang pinaka-pangit na babaero na nakita ko sa tanang buhay ko!” sabi ko sa kanya. “Ohh, really? Nakakatawa naman, galing pa sa ‘yo eh mukha ka ngang impakta,” sabi niya sa akin. Kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi ako impakto. Siya itong impakto. “Bakla ka pala eh. Pumapatol sa babae,” sabi ko sa kanya. “Anong sabi mo?” seryoso na tanong niya sa akin at lumapit pa siya sa akin. “Baka naman hindi ka talaga babaero, baka naman lalakero ka,” sabi ko sa kanya. “Gusto mo bang subukan natin kung talagang bakla ako?” tanong niya sa akin kaya kumunot ang noo ko dahil lumalapit siya sa akin at umaatras naman ako. “Huwag ka ngang lumapit sa akin!” “Are you scared now, impakta?” tanong niya sa akin. “Huwag kang lumapit. Babasagin ko ‘yang itlog mo!” pananakot ko sa kanya pero tumawa lang siya kaya naman…..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook