C2

1164 Words
GABBIE “Huwag kang lumapit. Babasagin ko ‘yang itlog mo!” pananakot ko sa kanya pero tumawa lang siya kaya naman mabilis kong sinipa ang hinaharap niya. “Fvck!” “Ahhhh! Fvck!” sigaw niya dahil halatang nasaktan siya. “Masakit ba?” tanong ko sa kanya. “Ano sa tingin mo–” “You deserved it,” sabi ko sa kanya at tumalikod na ako. Hindi ko naman masyadong nilakasan dahil baka naman mabasag at matige pa siya ng wala sa oras. Maging kriminal pa ako ng wala sa oras. “Bumalik ka dito, b*tch!” sigaw niya sa akin. “Fvck!” “Lagot ka sa akin! Magbabayad ka!” Kahit pa sumigaw niya ay hindi ko na siya pinansin pa. Bahala siya d’yan. Feeling gwapo. Kahit talaga saan ay feeling siya. Akala niya yata dahil sa kilalang pamilya at mayor siya ng bayan niya ito ay siya na talaga ang pinaka-gwapo sa lahat. “Gabbie, anong nangyari kay Adler?” tanong sa akin ni Mrs. Governor. “He’s okay po,” nakangiti na sagot ko sa kanya. “Mukhang magkakasundo kayong dalawa,” sabi niya sa akin. “Sa tingin ko rin po,” sabi ko na lang kahit ang totoo ay never. Nakikita ko pa lang pagmumukha niya ay inis na inis na ako kaya never talaga. Over my dead body ay ayaw ko sa kanya. Lalo na napaka-babaero niya. Nakakainis na marami pa rin humahanga sa kayabangan ng lalaking ‘yon. “Gabbie, okay ka lang ba? Bakit feeling ko p*napatay mo na ang anak ko sa isip mo?” natatawa na tanong niya sa akin. Kaya nagulat rin ako dahil paano niya alam? Like may something rin yata kay Mrs. Gov na hindi ko alam. O baka ayaw ko lang maniwala kasi ang ganda niya. “Ano po ang gagawin ko ngayon, madam?” “Pakilinisan na lang ang mga room sa taas. ‘Yung room na nasa dulo,” sagot niya sa akin kaya naman hinanapo ko na agad ang gamit na panlinis. Umakyat na ako at maglilinis na ako sa room na sinabi niya sa akin. Mukhang wala namang tao kaya naman pumasok na agad ako sa loob ng room. Sakto lang naman ang mga kalat. Masasabi ko na lalaki ang may-ari ng room na ito dahil sa interior niya. Nagsimula na akong maglinis hanggang sa nagulat ako dahil bigla na lang bumukas ang pintuan at pumasok si Adler na masama na agad ang tingin sa akin. Pero binalewala ko na lang ito na para bang hindi ko siya nakita. “Ang sama mong babae ka. Bakit ka nandito?” “Iyan ang napapala ng mga bastos na katulad mo. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?” “Hindi porket maganda ka ay ganyan ka sa boss mo,” sabi niya sa akin kaya nilingon ko siya at sinamaan ko ng tingin. “Hindi ako maganda kaya ‘wag mo akong purihin dahil hindi ako uto-uto,” sabi ko sa kanya pero bigla na lang siyang tumawa. “Ikaw lang ang kilala ko na pinuri na nga galit ka pa. May saltik ka na talaga, akala mo siguro ay nakalimutan ko ang ginawa mo sa akin. Ang lakas ng loob mo na saktan ang kaibigan ko. Magbabayad ka–” “Baka gusto mo na basagin ko pa ulit ‘yan?” “Ang tapang mo talagang babae ka. Saan ka ba pinulot ng mommy ko? Isa ka rin ba sa mga kalahi niya?” tanong niya sa akin. “Kalahi?” kunot noo na tanong ko sa sarili ko. “Lumayas ka nga dito. Alam mo naman na nagtatrabaho ako tapos magulo ka!” “You’re so unbelievable,” sabi niya sa akin. “Lumabas ka na nga dito, pangit.” “Pangit? Ako? Kanina bakla, ngayon naman ay pangit naman. Ang lakas talaga ng loob na para bang akala mo kung sino ka. Ako pa rin ang boss–” “Si Mrs. Gov lang ang boss ko at ikaw, hindi kita boss,” sabi ko sa kanya. “Anak niya ako kaya boss mo pa rin ak–” “Oo na, kaya umalis ka na d’yan. Nakaharang ka at sagabal ka sa ginagawa ko–” “Sama talaga ng ugali mo. Pasalamat ka lang talaga dahil babae ka.” “Oo, masama talaga. Ako ang pinakamasama sa lahat kaya ‘wag mo akong nilalapitan at baka mabugok ‘yang itlog mo.” “Alam mo, baka naman crush mo lang ako kaya ka ganyan? Baka naman gusto mo lang na mapansin kita? Sorry pero hindi talaga kita type, kahit pa magpapansin ka sa akin ay ayaw ko sa kalahi ni Rachel,” sabi niya sa akin. “Excuse me,” sabi ko sa kanya dahil masyado na siyang feeling. “Hindi talaga, hindi kita type. Kahit pa ikaw na lang ang nag-iisang lalaki sa balat ng lupa ay hindi talaga kita magugustuhan kaya please lang ‘wag masyadong feeling dahil ayaw ko sa fvckboy.” “Okay, sabi mo eh,” sabi niya sa akin at tumalikod na siya kaya natuwa naman ako dahil sa wakas lalayas na siya dito para matapos ko na ang trabaho ko. Pero nagulat na lang ako dahil bigla na lang siyang naghubad ng damit niya at tinapon na lang niya sa sahig. Tanging boxer na lang ang suot niya at pumasok ito sa tingin ko ay banyo niya. Napairap na lang ako ng wala sa oras. Sure ako na gusto niyang gumanti sa akin. Lagot ka sa akin, bwisit ka. Kung hindi lang talaga… Bakit ba kailangan kung pagtiisan ang pagmumukha ng lalaking ito. “It’s okay, self. Kaya mo ito, kaunting pasensya at pagtitiis lang ang kailangan mo,” saad ko sa sarili ko at pinulot ko ang mga tinapon niyang damit. Binilisan ko ang ginagawa ko para wala na ako dito kapag lumabas na siya. Pero palabas na sana ako nang bigla na lang lumabas ang lalaki na hubo’t hubad like fvck! Hindi ba siya nag-iisip na may babae dito sa room niya. “Oops, sorry. Akala ko kasi wala ka na dito eh,” sabi niya sa akin at alam ko na nakangisi siya kahit pa mabilis akong tumalikod. “Bastos!” Mabilis akong lumabas sa room niya pero narinig ko lang na tumawa ang lalaking ‘yon. May saltik ba siya? Bakit siya naging mayor kung may tama siya sa utak! Ang bastos niya, palibhasa babaero. Kaya hindi na siya nahihiya na ibalandra ang katawan niya sa iba. Tumakbo ako pababa para kalimutan ang nakita ko. Mabilis akong pumunta sa kusina at naghahanap ako ng sobrang lamig na tubig. Nang makakita ako ay mabilis akong uminom. Naubos ko ang isang baso at iinom pa sana ako pero napatigil ako dahil nakatingin sa akin si Madam at ang iba pang mga katulong dito. “Uhaw na uhaw ka ba, Gabbie?” tanong sa akin ni Mrs. Gov.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD