C3

1551 Words
GABBIE “Uhaw na uhaw ka ba, Gabbie?” tanong sa akin ni Mrs. Gov. Para naman akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa nagulat rin ako sa kanila. Hindi ko inaasahan na nandito rin pala sila ngayon. “Sorry po,” nahihiya na sabi ko sa kanya. “Okay lang, nagbibiro lang naman ako. Inom ka lang, marami pang tubig d’yan sa ref,” nakangiti na sabi niya sa akin at nakangiti silang lahat kaya parang gusto ko na lang mabiyak itong sahig at lamunin na lang ako. Sobrang nakakahiya kasi ako. Nakatulala pa naman sila sa akin kanina kaya naman kapag naalala ko ay parang gusto ko tumakbo sa labas at hindi magpakita sa kanila. Pero wala na, nangyari na kaya kailangan ko na lang panindigan ito. “Mainit po kasi, madam,” sabi ko sa kanya at uminom pa ako. “Kaya nga, ang init. Sobrang init talaga ngayon, mom. Kasing hot ko ang araw ngayon.” Gusto kong umirap ng marinig ko ang boses ni Adler na ngayon ay nandito na. Wala itong suot na damit at nakashorts lang ito. Ang yabang niya talaga na ibalandra ang katawan niya. “Loving the view?” nakangisi na tanong niya sa akin. “Alin ang view? Akala ko nga pader ang pangit,” sabi ko sa kanya at tumalikod na ako. Narinig ko naman na tumawa si mrs. gov at ang iba pa naming kasama. “Ikaw lang ang nagsabi niyan. Crush mo nga yata talaga ako. Ayaw mo lang umamin,” sabi pa niya kaya kinikilabutan ako sa kanya. “Feeling naman po ng anak mo, madam.” “Feeling ka raw,” natatawa na sabi ni mrs. gov. “Hindi ka na lugi sa akin. Ako kaya ang pinaka-hot na mayor sa buong Pilipinas at syempre ang pinaka-guwapo,” sabi niya sa akin. “Mangarap ka na lang, libre lang naman eh,” sabi ko sa kanya. “Mom, saan ba galing ang babaeng ito? Bakit ganyan niya ako kausapin? Parang may lihim na galit sa akin?” sunod-sunod na tanong niya sa nanay niya. “Hindi ko rin alam, anak. Bakit hindi mo itanong sa kanya kung saan siya galing at bakit ngayon lang siya?” nakangisi na sagot sa kanya ni mrs. gov. “Nevermind, mom. Sana talaga hindi mo na lang tinanggap ‘yan dito. Pasmado ang bibig–” “Okay lang na pasmado ang bibig. Maganda naman,” nakangisi pa na sabi ni mrs. gov at mukhang sa akin siya kumakampi. “Kalahi mo lang eh.” “Anong sabi mo?” kunot noo na tanong ni mrs. gov. “Wala po, mommy. Sige po, balik na ako sa room ko,” sabi nito. “Oh, bakit ka nandito? Akala ko ba ayaw mo na dito sa bahay at doon ka na sa condo mo?” “Pinapalayas mo na ba ako, mom?” “Oo, matagal na. Mag-asawa ka na nga. Bigyan mo na ako ng apo. Gusto ko na ng apo galing sa ‘yo.” “Ayaw ko nga, mom.” “Hindi po talaga nag-seseryoso ang mga babaero. Gusto lang nila maglaro at lumandi sa kahit na sinong babae,” pabulong na sabi ko. “Narinig kita, may pabulong-bulong ka pang nalalaman d’yan.” “Whatever?!” “Tsk! Feeling naman maganda. Eh wala ka nga sa kalingkingan ng mga chicks ko,” sabi pa niya sa akin. “Wala talaga dahil katulad mo lang ang mga babae mo. Malandi!” “Mom, palayasin mo na nga ang babaeng ‘yan!” “Ayaw ko nga! I like her, i like her so much kaya dito lang siya. Bahala na kayong dalawa. Good luck sa inyo, sana kayo ang magkatuluyan na dalawa,” sabi pa nito. “That’s not gonna happen, mom.” “Hindi talaga!” sabi ko sa kanya at umalis na ako. Bata pa ako pero mukhang magkakaroon ako ng high blood sa lalaking ‘yon. Nakikita ko pa lang kasi ang mukha niya nauurat na ako. Wala naman na daw akong gagawin kaya naman pumasok na ako sa loob ng room ko. Humiga na lang ako sa kama ko para magpahinga. Sa totoo lang ay pagod rin talaga ako sa biyahe. Kung hindi lang talaga kailangan ay hindi ko ito gagawin. Gusto ko pa namang magbakasyon pero mukhang hindi ko pa ‘yon magagawa sa ngayon. Gusto kong magpahinga pero bigla namang tumawag itong nanay ko. Wala akong choice kundi sagutin at baka bumuga rin ito ng apoy kapag nagalit. “Hello po, mama.” “Where are you?” tanong niya sa akin. “Dito po sa Pilipinas–” “What?” “Mama, calm down,” sabi ko sa kanya. “How can I calm down?” tanong pa niya sa akin. “Don’t worry about me, dahil okay na okay lang po ako dito. Promise, uuwi rin po ako agad,” nakangiti na sabi ko sa kanya. “Where exactly are you now?” “Mama, I’m working po. So, hayaan mo na lang po ako na magtrabaho dito. Pangako po okay lang ako dito. Mabait po ang boss ko,” sagot ko sa kanya. “Siguraduhin mo lang na okay ka dahil kung hindi ay lagot ka sa akin. Kahit pa twenty eight ka na ay papaluin pa rin kita,” sabi niya sa akin kaya tumawa ako ng malakas. “Mama, hindi na po ako bata.” “Alam ko, pero kapag patuloy mo akong sinusuway ay lagot ka sa akin,” sabi niya sa akin. “Bye na po, mama. May trabaho pa po ako,” sabi ko sa kanya at hindi ko na hinintay na sumagot siya sa akin. Sa totoo lang ay hindi ko rin talaga alam kung bakit ko ba pinapasok ang trabaho na ito. Pero okay lang naman dahil malay mo matuto naman ako. Dahil hindi naman ako inaantok ay lumabas na muna ako para pumunta sa likod ng bahay. Gusto ko rin ikutin ang bahay na ito at natuwa naman ako dahil may mga tanim pala sila dito. Naalala ko tuloy ang mama ko mahilig rin ‘yon mag-gardening. Lalo na ang magtanim ng mga gulay. Naglakad pa ako at nakita ko ang isang katulong na naglalaba kaya naman lumapit ako sa kanya at tinulungan ko siya. Parang naawa naman kasi ako. Ang dami niya kasing labahin. “Itong damit ni Yorme ay handwash lang po,” sabi niya sa akin. “Ako na ang bahala dito,” nakangisi na sabi ko sa kanya. “Salamat,” sabi niya sa akin kaya naman nagsimula na akong maglaba at sisiguraduhin ko na malinis na malinis ang damit ng pangit na ‘yon. ********* The next day at nag-aayos kami ng living room nila. Tinutulungan ko si mrs. gov dahil magdedecorate na siya ng christmas theme niya dito. Busy kami at natutuwa ako dahil ang bait niya talaga. Pero nagulat kami dahil may sumisigaw sa taas at walang iba kundi ang yorme ng bayan. “Mom, sino po ang naglaba ng damit ko?” tanong ni Adler habang pababa siya sa hagdan. “Si Lolita–” “Hindi po ako, mrs. gov,” kaagad na sabi ni ate Lolita. “So, sino? Kung hindi ikaw ay sino?” tanong ni Adler kaya ngumiti ako sa kanya para iparating sa kanya na ako. “Fvck!” “Ikaw?!” tanong niya sa akin at umuusok ang ilong niya sa galit. “Ako nga po, yorme,” nakangiti na sagot ko sa kaniya para asarin pa siya. “Si Gabbie pala eh. Bakit ka naman galit na galit d’yan?” tanong ni mrs. gov sa anak niya. “Sino ba ang hindi magagalit dito, mom?” sabi niya sabay pakita ng brief niya sa amin kaya bigla na lang akong tumawa habang ang mga kasama ko ay nakatulala lang kay yorme. “Gabbie, sa tingin ko ay maging secretary ka na lang ni Adler. Hindi yata bagay sa ‘yo ang gumawa ng gawaing bahay,” sabi sa akin ni mrs. gov. “Sa tingin mo po?” nakangisi na tanong ko sa kanya. “Oo, anak. Kasi naman tingnan mo ang brief niya. Bakit naman? Bakait naging ganyan?” “Sinigurado ko lang po na malinis at tanggal ang mga germs, madam. Hand wash nga po ang ginawa ko d’yan kahapon. Tingnan mo ang nangyari sa kamay ko. Ginalingan ko po ang paglalaba ko, kinuskos ko po talaga siya,” sabi ko sa kanya at pinakita ko pa ang mga kamay ko sa kanya. “Mukha ngang kinuskos mo talaga ng mabuti,” sabi rin niya. “Opo, madam. Ginalingan ko po talaga.” “Adler, anak. ‘Wag ka ng magalit, bumili ka na lang ng bago. Tingnan mo naman ang kamay ni Gabbie. Kawawa naman, nahirapan yata siyang labhan ang brief mo,” sabi ni mrs. gov na para bang pinipigilan na ang tawa niya. “May araw ka rin sa aking babae ka. Magbabayad ka sa pagsira mo ng brief ko,” umuusok ang ilong na sabi niya pero ngumiti lang ako sa kanya. “Hihintayin ko ang araw na ‘yan, yorme—” “Ano bang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya dahil bigla na lang niya akong…..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD