C4

1110 Words
GABBIE “May araw ka rin sa aking babae ka. Magbabayad ka sa pagsira mo ng brief ko,” umuusok ang ilong na sabi niya pero ngumiti lang ako sa kanya. “Hihintayin ko ang araw na ‘yan, yorme—” “Ano bang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya dahil bigla na lang niya akong hinila. “Magtutuos tayong babae ka,” sabi niya sa akin. “Hindi ako pumapatol sa lalaki kaya ‘wag mo akong subukan,” sabi ko sa kanya. “Lalo naman ako, hindi ako pumapatol sa babae na hindi naman kagandahan,” sabi niya sa akin. “Excuse me, alam ko na maganda ako kaya ‘wag mo akong nilalait d’yan. Ikaw nga ‘yang mukhang unggoy,” sabi ko sa kanya. “Lakas naman ng loob mo na laitin ako na unggoy,” sabi niya sa akin. “Bakit? Mukha ka naman talagang unggoy kaya tanggapin mo na lang,” sabi ko sa kanya. “Ikaw na babae ka, baka gusto mong paungolin kita, para malaman mo kung sino ang sinasabihan mo na–” “Anak, nandito pa kami,” biglang sabi ni madam kaya bigla na lang umalis si Adler at naiwan kami dito. Halatang galit na galit siya. “Ang kulit niyong dalawa. Bagay na bagay talaga kayong dalawa,” sabi niya sa akin. “Kung siya lang naman po ay ‘wag na lang po, Misis Gov. Mas gugustuhin ko na lang po na maging matandang dalaga,” sabi ko sa kanya. “Gwapo naman ang anak ko at mabait rin. Pilyo lang pero alam ko na kaya mo siyang patinuin,” sabi niya sa akin. “Madam–” “Just take your time, iha. Kaya ko pa naman maghintay ng kaunti, basta bigyan niyo agad ako ng apo ha,” natatawa na sabi ni misis gov bago ito umalis. Ako naman itong naiwan dito na mag-isa. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Grabe talaga ang pamilya nila. Nakakagulat sila, apo agad? Hindi ko naman gusto ang anak niya eh. Tapos umaasa na agad siya ng apo mula sa akin. Kaloka na buhay ito. Naloloka ako sa hindi malaman na dahilan. Joke ba ‘yon kasi ngayon pa lang natatawa na talaga ako. Pero bigla na lang akong tumawa dahil naalala ko ang mukha ni Adler. Huwag niya kasi akong kalabanin dahil baka maubos ang lahat ng brief niya kapag lagi niya akong ginagalit. Okay na okay pa naman ang mood ko habang nilalabhan ko ang brief niya. Hindi ko namalayan na nabutas na pala sa kakakusot ko. “Hi po, ate. Bagong katulong ka po ba namin?” tanong sa akin ng isang magandang dalagita. Kamukha niya si Adler pero female version naman niya ito. At kulot ang buhok ng isang ito. “Hi, ako si Gabbie. Tama ka bago niyo akong katulong dito,” nakangiti na sabi ko sa kanya. “Ako naman po si Camilla, ate. Pero ang ganda mo naman po para maging katulong namin. Baka po maling trabaho ang napasukan mo,” sabi niya sa akin. “Hindi naman, nasa tamang lugar naman ako,” nakangiti na sagot ko sa kanya. “Talaga, ate. Pero ang ganda mo po,” sabi pa ng isa pang magandang bata. “Bakit, pangit lang ba ang puwedeng maging katulong?” tanong ko sa kanila pero syempre pabiro naman. “Nakakapagtaka lang po kasi eh. Ako po pala si Blythe, ate. Ang pinakamaganda sa lahat,” nakangiti na sabi nito. “Ako naman si Gabbie,” nakangiti na bati ko sa kanya. “May boyfriend ka na ba, ate? Ilang taon ka na po?” tanong niya sa akin. “Wala akong boyfriend at twenty eight na ako,” sagot ko sa kanya. “What? Twenty eight?” sabay pa talaga silang dalawa na nagulat sa akin. “Yes, twenty eight na ako,” sagot ko sa kanila. “Wala ka po bang balak na mag-asawa?” “Wala pa naman.” “Wala pa kahit twenty eight ka na? Ibig bang sabihin ay magiging matandang dalaga ka?” tanong ni Camilla sa akin. “Hindi ko alam, siguro,” sagot ko sa kanya. “Ate Cam, tawagin mo kaya si Kuya Adler. Baka kasaling–” “He’s not my type. Ayaw ko sa babaero,” sabi ko sa kay Blythe. “Ayy, ligwak agad ang babaero. Sayang, bagay pa naman kayong dalawa. Wala rin kasing balak na mag-asawa ang isang ‘yon,” sabi pa niya at naka-pout pa ang labi niya. “Kaya nga, sayang,” sabi pa naman ni Camilla. “Sige, iwan ko muna kayo. May trabaho pa ako,” sabi ko sa kanila dahil baka kung ano pa ang sabihin nila. Bilib rin talaga ako sa pamilya nila. Okay lang sa kanila na katulong ang maging karelasyon ng kuya nila. Alam ko naman na maganda ako pero ang ibang mga mayaman kasi ay ayaw nila sa ganda lang. Dapat ay may background rin at mayaman rin dapat. Pero sila ay parang balewala lang sa kanila. Kung sabagay ay kilala ang pamilya nila na mababait at matulungin kaya hindi ko alam kung bakit ba kasali ang Adler na ito sa mga kalokohan. Kung sabagay ay iba naman ang bunga sa puno. Lalo pa politiko ang isang ito kaya kurakot siya. Hindi pa naman mapagkakatiwalaan ang mukha niya. Pumasok na ako sa room ko dahil wala naman na silang iuutos sa akin. Sa totoo lang ay nakakainip rin ang ganito. Pero hindi naman ako puwedeng lumabas. Pero kakaupi ko pa nga lang ay nagulat na agad ako sa lakas ng kalabog ng pinto ko. “Hoy! Babae! Lumabas ka nga d’yan!” sigaw niya sa akin kaya naman mabilis akong tumayo dahil ang unggoy pala ang nasa labas. “Anong kailangan mo?” tanong ko sa kanya. “Balak mo bang sirain ang lahat ng damit ko?” galit na tanong niya sa akin. “Sirain? Wala akong balak na ganyan. Ginawa ko lang ang trabaho ko. Kaya naman nilinis ko ng maayos ang mga damit mo. Sumakit kaya ang kamay ko sa kakakusot niya–” “Simula ngayon ay ‘wag mo ng labhan ang mga damit ko. ‘Wag kang mangingialam sa mga gamit ko. Kapag talaga ginalaw mo ay malilintikan ka sa akin,” sabi niya sa akin. “Okay, mas mabuti pa nga na hindi. Para mabawasan ang trabaho ko,” sabi ko sa kanya. “Pasalamat ka talaga at babae ka. Dahil kung hindi ay–” “Ay ano?” tanong ko sa kanya pero nagulat ako dahil bigla na lang….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD