GABBIE
“Pasalamat ka talaga at babae ka. Dahil kung hindi ay–”
“Ay ano?” tanong ko sa kanya pero nagulat ako dahil bigla na lang..
Nanlaki ang mga mata ko dahil bigla na lang niya akong hinalikan. Hinalikan niya ako? Ang lakas ng loob niya na nakawin ang halik ko. Siraulo siya kaya naman mabilis kong tinuhod ang pagk*lalaki niya kaya tumigil siya sa paghalik sa akin.
“Ohh, fvck! You!” inis na sabi ko sa kanya.
“Fvck! Nanakit ka talagang babae ka. Kasalanan mo talaga kapag hindi ako nagkaroon ng jr.”
“Mas mabuti nga na hindi para hindi na dumami ang lahi mong babaero ka,” sabi ko sa kanya at iniwan ko siya.
Kung hindi lang talaga sa trabaho ko ay lalayas na talaga ako. Oh my gosh na lalaking ito! Hinalikan niya ako, sa lahat talaga ng lalaki ay siya pa. Bakit siya pa? Bakit? Gusto ko pa nga siyang sapakin pero pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil baka ipakulong niya ako.
“Come back here! Bruha ka!” sigaw niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin dahil bahala siya sa buhay niya. Wala akong pakialam sa babaero na katulad niya. ‘Yan ang napapala ng bastos na katulad niya.
******
“Sumabay na kayo sa amin at kumain na tayo,” sabi ni Misis Gov sa amin.
“Sila lang, mom. ‘Wag mo ngang isali ang isang ‘yan. Sinaktan niya ako eh,” parang bata na sabi ni Adler.
“Para ka na namang bata, kumain ka na lang d’yan.”
“Mom, you don’t understand eh. Alam mo ba kung ano ang ginawa sa akin ng babaeng ‘yan?”
“Ano ba ang ginawa niya sa ‘yo.”
“Sinaktan niya ang–”
“Sinaktan ko po ang pot*yt*y niya–”
“What?! P*toytoy? I’m not a kid para ganyan ang itawag mo sa ano ko. Baka umiyak ka kapag ito–”
“Jusko po! Kumusta ang p*toytoy mo, anak? Buo pa ba?” tanong ni misis gov sa anak niya na halatang nagpipigil ng tawa.
“Mom, nakikigaya ka rin sa babaeng ‘yan eh,” sabi ni yorme.
“Ano ba ang tawag sa ganyan kapag malaki na?” natatawa na sabi ni misis gov na halatang tuwang-tuwa siya.
“Mom?”
“May ginawa ka siguro sa kanya kaya niya nasaktan si junjun mo.”
“Siya nga iton–”
“Iha, next time ay bugb*gin mo na lang siya sa kahit saang parte ng katawan niya. ‘Wag lang sa junjun niya. Kasi baka hindi ako magkaapo kapag naging b*og siya,” sabi sa akin ni misis gov.
“Pakisabi rin po sa anak mo, madam. Na kung ayaw niyang tuluyang mabasag ang p*toytoy niya ay ‘wag niyang idikit sa kung saan-saan ang bibig niya. Nakakairita kasi talaga siya, ang bastos po niya.”
“Kasalanan mo naman pala eh. Ikaw talagang bata ka, dinadaan mo sa santong paspasan, para ka talagang tatay mo,” sabi ni misis gov at hinampas ang anak niya.
“Alis na ako, mom. Nakakawalang gana na,” sabi ni Adler at tumayo na ito.
“Dito ka pa rin ba uuwi?”
“Hindi po, hangga’t nandito ang babaeng ‘yan ay hindi ako uuwi dito,” sabi ni Adler.
“Naku, hindi aalis si Gabbie dito. Forever na siya dito,” natatawa na sabi ni misis gov.
“Edi, forever na rin akong hindi uuwi dito,” sabi ng lalaking ito.
“OA,” mahina na sabi ko.
“Narinig kita, pabulong-bulong ka pa d’yan,” sabi niya sa akin pero inirapan ko lang siya.
“Nakita niyo ‘yon, mom? Inirapan ako, ang lakas talaga ng loob ng katulong mo na ‘yan na–”
“Na maganda, anak. Maganda siya,” sabi pa ni misis gov.
“Maganda? Ilang taon na ba siya?”
“Twenty eight na siya, kuya,” ang kapatid niya ang sumagot.
“Malapit na pala ma-expired,” sabi niya kaya bigla na naman yatang uminit ang ulo ko sa narinig ko mula sa kanya.
“Anong sabi mo?”
“Alis na ko, mom. Bye,” sabi niya at mabilis na tumakbo palabas.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa narinig ko o hindi.
“Ate Gab, okay ka lang po ba?” tanong sa akin ni Blythe.
“Ganyan ba talaga ang kuya mo?”
“Bakit po?”
“Parang kulang sa pansin,” sabi ko sa kanila.
“Hindi po, ate. Kasi ang totoo ay nasobrahan na po siya sa pansin. Mas malala pa nga siya sa nakikita mo ngayon eh. Hindi pa ‘yon ang todo niya,” sagot naman sa akin ni Camilla.
“Gwapo naman siya kahit na nasobrahan siya sa pansin.”
“Siya kaya ang pinakagwapong mayor sa buong Pilipinas,” sabi pa ni Blythe at natatawa ito.
“Mukhang hindi naman,” sabi ko naman sa kanila.
“Masasanay ka rin sa kanya, ate. Kami nga sanay na sanay na sa kanya,” sabi pa ni Camilla.
Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Paano ba naman kasi mukha ngang hindi talaga matino ang isang ‘yon kaya nagtataka na talaga ako kung paano ba siya naging mayor sa lugar na ito.
Dahil mabait ang pamilya nila ay kasabay na naman nila kaming kumain. Masiyahin sila at halatang nagmamahalan. Naalala ko tuloy ang mommy ko. Alam ko na miss na miss na niya ako dahil hindi na ako napirmi sa bahay namin. Pero alam ko naman na naiintindihan niya ako.
After naming kumain ay ang kasama na namin ang naghugas ng plato. Tutulungan ko sana pero ayaw naman niya kaya naman bumalik na lang ako sa room ko at nagpahinga na lang ako.
*******
Totoo nga ang sinasabi ng lalaking ‘yon na hindi na siya uuwi dito hangga’t nandito ako. Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam dito. Okay naman dahil maayos at tahimik naman ang buhay ko at mas gusto ko nga ang ganito.
“Gab, puwede ba kitang utusan?” tanong sa akin ni misis gov.
“Oo naman po,” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Puwede mo bang dalhin sa city hall ang mga ulam na ito. Nagpapadala kasi ang anak ko,” sabi niya sa akin.
“Okay po,” sabi ko kahit pa ang totoo ay hindi naman talaga ako natutuwa pero naalala ko na katulong pala ako dito kaya dapat lang na sundin ko ang lahat.
“Salamat, iha. Don't worry, behave ang anak ko doon dahil nasa work siya. Dito sa bahay lang siya makulit,” nakangiti pa na sabi sa akin ni misis gov.
“Trabaho ko po ito at hindi mo po kailangan na magpasalamat sa akin, madam.”
“May maghahatid sa ‘yo doon kaya okay lang na–”
“Ako na po ang magmamaneho ng sasakyan. Kaya ko na po,” sabi ko sa kanya.
“Sure ka ba?”
“Opo, madam. May lisensya po ako kaya ‘wag ka pong mag-alala sa akin,” nakangiti na sabi ko sa kaniya.
“Sige, ikaw na ang bahala. Salamat, iha.”
Ngumiti na lang ako at lumabas na ako. Nasa sasakyan na rin naman ang mga pagkain kaya naman nagmaneho na ako. Alam ko naman kung saan ang city hall dahil may map naman ang sasakyan nila. Ilang minuto lang ay nakarating rin agad ako dito.
Pagbaba ko ay nakatingin sa akin ng mga tao. Sa bahay nila misis gov ay hindi naman nakasuot ng maid’s uniform ang mga katulong dahil mga kasama raw sila sa bahay at hindi naman daw kailangan kaya ako itong nakasuot ng shorts at black t-shirt. Naka-slippers nga lang ako eh. Okay na ito, hindi naman nakakabastos ang suot ko. Sadyang may height lang ako kaya naman litaw na litaw ang legs ko.
“Magandang tanghali po, nandito po ako para magdala po ng mga pagkain kay mayor.”
“Tulungan na po kita, Ma’am.”
“Salamat po,” nakangiti na sabi ko at binuhat ko na ang ibang pagkain.
“Ako na po magdadala, Ma’am.”
“Okay po, salamat po.”
Habang naglalakad kami ay narinig ko ang ibang tao na nandito na nagbubulungan. Iniisip yata nila na may relasyon kami ng babaero nilang mayor.
“Dito na po ang opisina ni yorme, Ma’am.”
“Salamat po, pakipasok na lang po sa loob.”
“Wait lang po, kakato–”
“Hindi ko na siya hinayaan na magsalita dahil binuksan ko na ang pinto at hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin o mas tamang sabihin na sa amin.
“What the–”