GABBIE
“What the h*ll are you doing here?” tanong sa akin ni Adler.
“Nakikita mo naman siguro ang mga dala ko,” mataray na sagot ko sa kanya.
“Bakit ikaw ang nagdala niyan dito?”
“Big deal ba na ako ang nagdala? Bakit, ayaw mo ba na maging witness ako sa kalokohan mo? Don’t worry dahil wala akong pakialam sa mga gusto mong gawin. Pumunta ako dito dahil inutusan ako ni misis gov,” sabi ko sa kanya.
“Sa dami ng tao doon ay ikaw pa talaga–”
“Busy ang lahat kaya ako na. At teka nga, bakit ba galit na galit ka sa akin?” tanong ko sa kanya dahil mauubos na naman ang pasensya ko sa lalaking ito.
“Lumabas na muna kayo at iwan niyo kami,” sabi niya sa mga tao na nandito.
“Hindi na, hindi na kailangan dahil aalis na ako,” sabi ko sa kanya.
“Hindi ka puwedeng umalis, kailangan mo pang ayusin ang pagkain nila at hintayin mo ang mga lagayan,” sabi niya sa akin.
“Yorme, kami na lang po ang mag-aayos ng mga pagkain,” sabi ng isang babae.
“That’s her job kaya hayaan niyo siya. Tatawagin ko na lang kayo kapag maayos na,” sabi pa talaga niya.
Lumabas na sila at naiwan kami dito. Tatlo kami dahil nandito pa rin ang babaeng humahalik sa leeg niya. Talagang wala siyang pinipiling lugar. Hindi na talaga niya nirespeto ang opisina niya. Napakamalandi niya talaga. Porke’t mayor siya ay ginagawa na lang niya ang nais niya.
“What are you waiting for?” tanong niya.
“Saan ba aayusin ito–”
“I’m not talking to you,” sabi niya sa akin.
“Eh sino?”
“Ako po ba?” pabebe na tanong ng babae.
“May iba pa ba?” tanong naman ni Adler.
“Pero, bakit po ako? Hindi pa naman po tayo tapos?”
“Tapos na tayo, ang bagal mo kasi,” sabi pa niya at ako naman itong hindi makapaniwala sa lalaking ito.
“Ang daya mo naman yorme,” sabi ng babae at mabilis itong lumabas.
“Bakit mo pinalabas? Nahiya ka pa? Sana ginawa niyo na lang ako na audience niyo,” sabi ko sa kanya.
“Hindi ka puwedeng maging audience,” sabi niya sa akin.
“At bakit naman?” tanong ko sa kanya.
“Dahil ikaw ang papalit sa kan–”
“Perv*rt!” sigaw ko sa kanya.
“Bakit ayaw mo ba?”
“Anong tingin mo sa akin? Baka gusto mong mabasag na talaga ‘yang ano mo,” sabi ko sa kanya.
“Baka ikaw ang mawasak sa akin,” natatawa na sabi niya sa akin.
“Mangarap ka na lang dahil may taste pa naman ako sa lalaki. Hinding-hindi ako papatol sa isang katulad mo. Eww! Baka may sakit ka na, dahil kung sino-sino na lang ang kin*kant*t mo,” sabi ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin na para bang nagulat siya.
“Bakit ka ganyan makatingin sa akin?”
“Ka-babae mong tao ang bastos ng bibig mo,” sabi niya sa akin.
“Bakit totoo naman na kinakan–”
“Shut up! Hindi bagay sa ‘yo na sabihin ang salitang ‘yan. My gosh! Para kang amazona at hindi ka man lang mahinhin,” sabi pa niya sa akin.
“Wala akong pakialam sa ‘yo,” sabi ko sa kanya.
“Maghahabol ka rin tulad nila,” sabi niya sa akin.
“Sa panaginip mo lang,” sabi ko sa kanya.
“Sa panaginip lang rin mangyayari na papatulan kita,” sabi pa niya sa akin.
“Ano ang gagawin ko? I-utos mo na kaysa pinaghihintay mo sila sa pagkain.”
“Ayusin mo na ang lahat ng pagkain diyan,” sabi niya sa akin at ginawa ko naman.
Siya naman ay prenteng nakaupo sa may couch at nakatingin lang sa akin. Ako naman ay iniirapan siya dahil parang hinuh*baran ba naman ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
“Kung ayaw mong mabulag ay itigil mo na ‘yang ginagawa mo,” sabi ko sa kanya.
“Bakit, ano ba ang ginagawa ko?”
“Huwag ka ngang magpanggap na hindi mo alam!”
“Ang feeling mo sa part na akala mo sexy ka,” sabi niya sa akin kaya nilingon ko siya at nakakunot ang noo ko habang nakatingin ako sa kanya.
“Hindi nga ako sexy. Eh ano naman? Hindi ko naman kailangan na maging sexy, ang mahalaga ay may itsura naman ako, hindi katulad mo na mukhang aso na may pagka-unggoy,” sabi ko sa kanya.
“Laitera ka talaga,” sabi niya sa akin.
“Tapos na, lalabas na ako.”
“Tawagin mo na sila,” sabi pa niya sa akin.
Kaya bago pa ako makalimot ay lumabas na ako at tinawag ko na ang mga dapat na tawagin. May little celebration pala sila kaya pala nagpakain ang isang ito. Ako naman ay busog pa kaya naman lumabas na ako at tumambay na lang muna sa labas. Kinakausap ako ng ibang employees dito at nakikipag-usap naman ako sa kanila.
Ayaw nilang maniwala na katulong ako. Masyado daw akong maganda para maging katulong. Tumawa na lang ako dahil katulong naman talaga ako.
“Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap,” nagulat kami dahil dumating ang kontrabida.
“Why?”
“Anong why?”
Hindi ko na siya pinansin at bumalik na ako doon. Tapos na pala ang lahat kaya naman niligpit ko na ang mga ito. Naubos nila ang mga pagkain. Masarap ba naman kaya sure ako na walang tira. Niligpit ko na ito at balak ko ng umuwi.
“Next time ‘wag kang pupunta dito na naka-short. City hall ito at hindi ka nasa bahay–”
“Sana alam mo rin na city hall ito at hindi ito motel,” sabi ko rin sa kanya kaya masama na naman ang tingin na binigay niya sa akin.
“Galit ka eh totoo naman,” sabi ko pa.
“Wala kang pakialam–”
“Alis na ako,” sabi ko sa kanya.
“Just stay, wala na akong secretary kaya palitan mo siya,” sabi niya sa akin.
“Maid ako, hindi secretary.”
“Hindi ka naman mukhang bob* kaya pwede ka na,” sabi pa niya sa akin.
“Ayaw ko nga!”
“Isumbong kita kay mommy.”
“Wala akong pakialam kahit na magsumbong ka pa,” sabi ko sa kanya.
“Kakaiba ka talagang babae ka. Akala mo talaga–”
“Ang ingay mo, bahala ka sa buhay mo,” sabi ko sa kanya at tuluyan na akong lumabas.
Magaan lang naman ang bitbit ko dahil wala naman na itong laman. Hindi naman siya sumunod kaya naman nakahinga ako ng maayos. Bahala na siya sa buhay niya ang mahalaga sa ngayon ay makauwi na ako. Habang palabas ako ay binabati na naman ako ng mga tao dito. Ang friendly nila, maliban sa lalaking ‘yon. Mabuti na lang hindi sila nahawa sa ugali ni Adler ang mga ito.
Akmang palabas na ako ng may bigla na lang humila sa akin.
“Bumalik ka na nga sa loob,” sabi niya sa akin.
“Ano ba ang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya pero nagulat ako dahil bigla na lang niya akong binuhat.
“Sira na ba ang ulo mo?” tanong ko sa kanya at nakalimutan ko na may ibang tao pala sa paligid.
“Hinay-hinay ka sa sinasabi mo, mayor pa rin ako ng bayan na ito,” sabi niya sa akin.
“Bakit mo ba kasi ako–”