GABBIE Dahil may mensahe na galing kay Shermaine at hinahanap na niya si Adler. Shermaine: Ad, where are you na? Shermaine: Papunta ka na ba? Shermaine: Sa dati pa rin ha. Shermaine: See you, Ad. Hindi ko alam pero bigla ko na lang nabitawan ang phone niya. “Kaya ka ba aalis para makipagkita sa kanya?” tanong ko sa sarili ko. Tumingin ako sa mag pinto ng banyo. Nandoon pa rin siya sa loob at sa tingin ko ay inaayos niya pa rin ang pampaligo ko. Bakit ba nararamdaman ko ito? Bakit may kakaiba akong nararamdaman sa mensahe na pinadala ni Shermaine? Ano ba ang gagawin nila? May gagawin rin ba silang dalawa? Mabilis kong binalik sa dati ang phone niya. Binura ko muna ang mga text messages ni Shermaine para hindi niya malaman na binasa ko. Lumabas na siya at nakangiti pa siya sa aki

