GABBIE “Alis na ako, ikaw na ang bahala sa kapatid ko,” nakangiti na sabi sa akin ni Sir Raleigh bago siya umalis. “Ingat po,” sabi ko sa kanya. Nakatingin lang ako sa papalayo niyang likod hanggang sa narinig ko na may tumikhim sa likuran ko. “Wag ka ng umasa pa dahil may asawa na ‘yon at wala kang laban kay Thisa, baliw ang kapatid ko doon,” sabi pa niya sa akin. “I’m not malandi. Alam ko ang girl code hindi mo ako katulad na baka may asawa na pinapatulan mo pa,” sabi ko sa kanya. “Sa gwapo kung ito?” nakangisi pa na tanong niya sa akin. “Sa gwapo mong ‘yan ay lahat na lang pinapatos mo,” sabi ko sa kanya. “Uy, may taste naman ako. Baka lang hindi ka inform, sama ka sa akin mamaya para malaman mo,” natatawa na sabi niya sa akin. “Saan?” “Sa bar, sama ka na sa akin para hindi na

