GABBIE Hinayaan ko na lang siya na tapusin ang mga labahan ko. Pumasok na lang ako sa room ko. Kailangan ko kasing pag-isipan ang dapat kong gawin. Kailangan ko kasing tumakas dito. Dapat ay friday pa lang makaalis na ako. Nakakainis naman kasi talaga ang lalaking ‘yon. Nakakairita talaga siya. Humiga ako sa kama ko pero hindi ko alam dahil bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang pigilan ang antok na nararamdaman ko. Pero mukhang hindi na talaga kaya bahala na. ****** Nagising ako na may katabi na ako ngayon. Nasa tabi ko na si Adler at mukhang ang himbing pa ng tulog niya. Ayaw kong isipin na wala na naman siyang kahit na anong suot dahil ang sabi niya sa akin ay wala siyang damit kapag natutulog siya. Ang tangos ng ilong niya, ang kapal ng kilay niya at

