GABBIE “Ang bakit? Bakit ka biglang kinampihan ng daddy ko? Bakit?” taas noo na tanong niya sa akin. “Dahil–” “Dahil mali ka at nakakahiya kay Adler na nangyari ito,” ang daddy mismo ni Gaya ang sumagot. Hindi na niya ako hinayaan na ako ang sumagot sa anak niya. Natatakot rin yata ang matanda na ito na malaman ng anak niya na may ibang pamilya pa siya. Mukhang hero pa naman siya sa paningin ng anak niyang spoiled brat. Kaya nga ang lakas ng loob nito na gawin ang lahat ng gusto niya dahil may daddy siya na nagtatanggol sa kanya. “Dad, bakit naman po–” “Sundin mo na lang ako, Gaya. Mag-sorry ka na sa asawa ni Adler. Ayusin natin ng maayos ang gulo na ito,” utos ng daddy niya. “Sorry,” sabi ni Gaya sa akin na halatang napilitan lang siya dahil inirapan pa niya ako. “May kulang pa,”

