GABBIE “Next time ay ‘wag kang maliligo sa ulan. Baka magkasakit ka pa,” malumanay na sabi niya sa akin habang nandito pa rin kaming dalawa sa loob ng banyo. “Ito na ang una at huli,” sabi ko naman sa kanya. “Dapat lang,” nakangiti na sabi niya at hinalikan niya ako sa noo. “Maligo na tayo, kailangan pa naming mag-usap ni mommy. Baka magalit na ‘yon kapag nagtagal pa ako. Mukhang bad mood pa naman siya,” sabi pa niya sa akin at hindi ko naman masabi sa kanya na ako ang dahilan. “Bakit ka ba na ligo rin sa ulan?” tanong ko sa kanya. “Wala lang, wala akong payong,” nakangisi na sabi niya sa akin. “Maligo na tayo, mukhang nagtitipid ka rin sa tubig,” sabi ko sa kanya at tumawa naman siya. “Kapag kasama ka ay gusto kong magtipid,” natatawa na sabi pa niya kaya pinalo ko ang balikat niy

