GABBIE “Saan ka pupunta? Gusto mo ba na gawin na natin ngayon? Para tumigil ka na sa mga banat mo,” nakangisi na tanong ko sa kanya na dahilan para magbago ang ekspresyon ng mukha niya. “May pasok ako ngayon. Alam ko rin naman na ayaw mo, pinapaasa mo lang ako. D’yan ka magaling, magaling magpaasa,” sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa noo. Naglakad na siya papasok sa loob ng banyo kaya ako itong nakatingin lang sa kanya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ito na naman ako. Kakaiba na naman ang nararamdaman ko sa paghalik niya sa noo ko. Parang wala na tuloy akong lakas na bumangon dito. Kaya naman nagtalukbong na lang muna ako ng kumot. Naririnig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Kaya hindi ko alam kung bakit ko ba biglang naisip ang katawan niya. Ang maganda niyang katawan.

