GABBIE “Hindi man halata pero mabait na bata ‘yan si Adler. Makulit siya pero may mabuting puso siya. Bata pa lang siya noong sumasama siya sa mommy niya at ngayon ay nagkukusa na siyang pumunta dito buwan-buwan,” bigla na lang nagsalita sa tabi ko ang isang madre. Ako naman itong hindi alam ang sasabihin dahil madre na itong nagsasalita. Hindi naman ito marunong magsinungaling. Baka nga may nakikita talaga siya na hindi ko nakikita sa lalaking ito. “Ngayon lang kita nakita. Girlfriend ka ba ni Adler?” tanong niya sa akin. “Naku, hindi po. Katulong po nila ako na ngayon ay naging driver na po niya,” sagot ko sa kanya. “Parang hindi ka naman mukhang katulong, iha.” “Katulong po nila ako. Kahit itanong mo pa po kay mrs. gov,” sabi ko sa kanya. “Ang ganda mo namang katulong,” nakangiti

