[Pamela] 'Sa tingin mo ba, mahal ka talaga ni kuya?' Ngayon alam na niya kaya nasabi iyon ni Alden sa kanya. Because Alden knew everything about his husband plan. Tuluyan na siyang humagulhol ng makalabas. Parang dinurog ang puso niya sa sakit. Mahal na mahal niya si Alaric at hindi niya matanggap na wala itong pagmamahal sa kanya. Nilabas niya ang cellphone at tinawagan ang magulang niya. Gusto niya sabihin sa mga ito ang nararamdaman niya. Gusto niya ng makakaramay sa sakit na dala-dala niya. Nakakailang tawag na siya pero walang sumasagot. Gabi na at tulog na siguro ang mga ito. Sumakay nalang siya ng taxi at nagpahatid sa bahay ng magulang niya. Hindi niya gusto na abalahin pa ang mga kaibigan niya, bukod sa gabing-gabi na ay nahihiya siya dahil palagi nalang ang mga ito ang nakik

