[Pamela] TIPID na ngumiti si Zoren sa kanya ng dumating sa bahay niya para ihatid siya sa trabaho. "Good morning." Bati nito sa kanya. Kita niya ang tamlay nito. Bumuntong-hininga siya. Kasalanan niya kung bakit ito ganito ngayon. "Good morning." Ganti na bati niya. Hindi niya alam kung dapat ba niya na sabihin pa rito ang tungkol sa pagpunta ni Alaric sa bahay niya. Baka masaktan lang ito, pero diba mas masasaktan ito kung maglilihim siya? "Si Alaric, galing siya rito kagabi." Hindi nakatiis na sabi niya. Huminto si Zoren sa pagbubukas ng kotse at humarap sa kanya. Bakas ang takot sa mata nito. Nakita rin niya ang talim sa mata nito pero saglit lang 'yon. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse kaya pumasok na siya. "Kinausap mo na ba siya tungkol sa annulment?" Tanong nito ng ma

