[Pamela] BINUHAT siya ni Zoren at dinala sa kwarto niya habang hindi pinuputol ang paghalik sa leeg niya. Pinigilan niya ang kamay ni Zoren ng tatanggalin na nito ang suot niya. "Zoren—" "Shhh." Tinapat ni Zoren ang daliri sa labi niya. "Iparamdam mo sakin na akin ka na, Pamela. Alisin mo ang duda ko." Putol nito sa kanya. Kinagat niya ang labi at nagyuko ng ulo. "I'm sorry, Zoren. Pero hindi pa ako handa." Tumulo ang luha niya. "I'm really sorry." Rinig niya ang pagbuga nito ng hangin. Tumalikod ito sa kanya at hindi nagsalita. Alam niya na masama ang loob nito. Pero hindi niya kaya na ibigay ang sarili niya sa ibang lalaki. Tumulo ang luha sa mata niya. "Zoren, maniwala ka hindi kita iiwan. Pero sa ngayon hindi pa talaga ko handa—" "Pamela naman! Kailan ka pa magiging handa? Dara

