Chapter 8 Keitlyn's POV Hindi ko alam kung paano ipapalianag kay Aether na hindi talaga ako nakukulitan sa kanya dahil hindi ko naman itatanggi na kung minsan ay nasusungitan ko na siya. Mas lalo pa akong nahihirapan na i-explain sa kanya ang mga bagay-bagay dahil maging ako man ay naguguluhan na sa aking sarili. Pero dahil nga sa ganoon na ang tumatak sa isip ni Aether ay mahihirapan na ako na maalis 'yun. Kahit na ano yata ang sabihin ko na ayos lang iyon ay hindi niya paniniwalaan. "You know, Keitlyn, ikaw kasi ang una kong nakilala na nagmula sa Weigand kaya noong una ay talagang naka-depende ako sa iyo. I thought you could guide me hanggang sa masanay ako sa lugar na iyon. Kasi sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na sa isang ganoong klase ng eskwel

