Chapter 9 Keitlyn's POV Bigla na lamang akong napaisip sa punto ni Aether at hindi ko maipagkakaila na tama siya roon. Paano ko ngayon mapaninindigan ang sinabi kong iyon. At mas lalong paano ko maipapaliwanag sa kanya na handa akong pagkatiwalaan siya gayong ako pa mismo ang nagsabi sa kanya na hindi ko pinagkakatiwalaan ang mga taga-ibang century. At baka hindi rin ako pagkatiwalaan ni Aether dahil sinabihan at pinayuhan ko rin siya na huwag na huwag pagkakatiwalaan ang taga-ibang century. Bakit ba naman kasi kinakailangan pa naming maghiwalay ng century? Pwede namang iisang century na lang kami. In that way, hindi na mahirap para sa amin ang maging magkaibigan. Pero gusto ko ring hingian ng paliwanag ang sarili ko kung bakit tila ba handa kong pagkatiwalaan si Aether kahit na alam ko

