Chapter 10 Keitlyn's POV Kahit tila ba pinal na ang desisyon ni Aether na hindi siya makikipagkaibigan sa akin ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na maging kaibigan niya. Ngunit sa ngayon ay hindi na muna ako mangungulit sa kanya. At least by now, sa oras na maisipan niya na kailangan niya ng kaibigan inside Weigand ay alam na niya agad kung sino ang una niyang lalapitan at kung sino ang totoong willing. Ngunit bigla na lamang akong natigilan sa iniisip ko nang maalala ko si Ginger. What if the first person that will come into his mind is Ginger? That would be a double kill to me. Tinanggihan na nga niya ang offer ko, hindi pa ako ang unang pumasok sa isip niya. Pero hindi naman siguro iyon ang importante sa ngayon. Dahil as long as papasok ako sa isip niya, ayos na ako roon. Kah

