Chapter 105 Keitlyn's POV Gusto ko ang mga yakap ni Aether pero hindi ang isang 'to. Nararamdam ko na may mali sa mga yakap niyang 'to. Ang higpit ng yakap niya sa akin ay tila ba nagpapaalam na siya. Kanina pa niya ako yakap ngunit tila ba wala siyang plano na bitiwan ako. Kaya ako na ang kusang bumitiw sa mga yakap niya dahil nag-aalala na ako. Kahit ang yakapin siya pabalik ay natatakot ako na gawin. Ngunit hindi pa man ako tuluyan na nakakabitiw sa kanya ay muli niya akong hinila para hindi mawala sa mga bisig niya. "Aether..." tawag ko sa kanya. "Can you hug me back, Keitlyn? Please," sabi niya na siyang nakapagpadagdag sa takot na nararamdaman ko. Ngunit kahit na naguguluhan ako sa mga nangyayari ay sinunod ko naman ang hiniling niya. Niyakap ko siya pabalik nang sobrang higpit n

