Chapter 104 Keitlyn's POV Hindi ko na ako masyadong aware pa sa nangyayari sa paligid ko kanina dahil ang tanging alam ko lang ay may kasama na ako. Ang huling narinig ko ay ang utos ni Aether na umalis ako sa tapat ng pinto na hindi ko naman alam kung bakit. Ngunit ganu'n pa man ay sininod ko ang sinabi niya kahit pa naubos na ika-ubos pa ng lakas ko. Kanina ko pa rin gustong pumikit dahil sa labis na pagod pero hindi ko naman magawa dahil nga sa ingay na nililikha nila sa pintuan sa labas na hindi ko naman alam kung para saan. Sobrang panghihina ang naramdaman ko dahil sa tear gas na nilagay rito ni Em bago niyaako ni-lock sa classroom. Nakaharap kasi namin ang isa sa mga tauhan ng Weigand at sinabi niya sa amin na isa lang sa amin ni Em ang pwedeng maka-survive. Pero iyon ay kung ma-

