Chapter 84 Keitlyn's POV Nang makarating ako sa kinaroroonan ni Aether ay naghanap kami ng matatambayan namin dahil hindi pwede na makita kami ng kahit sinong tauhan ng Weigand ba pagala-gala dahil nga sa ongoing na ang mga klase. Kinuha naman niya sa akin ang mga gamit niya at siya na ang magbibitbit. Mukhang hindi na rin umabot si Aether sa klase namin kaya minabuti na lamang niya siguro na sa cafeteria dumiretso. Nagtungo kami sa likod ng Math building dahil hindi naman ito pinupuntahan ng mga tao. Dito ko na rin maingat na kinwento sa kanya ang lahat ng nangyari sa cafeteria at sinabi niya na hindi naman na siya nagulat pa na hanggang ngayon ay si Timothy pa rin ang nasa puso at isip ni Em. Kahit naman daw hindi niya naabutan ang kanilang love story ay masasabi niya na tunay at waga

