Chapter 83 Keitlyn's POV Hindi ko magawa na muli pang tingnan si Creight dahil na rin sa awa na nararamdaman ko sa kanya. Ang banggitin pa lang ang pangalan ni Timothy ay nagkaroon na ng epekto sa kanya. How much more the truth and reality that I am about to tell and expose. Ngunit sa tingin ko naman din ay kailangan na niyang malaman ang katotohanan na 'to. She needs to know na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagagawa ni Em lubusang makalimutan si Timothy. Na kahit siya na ngayon ang present niya ay patuloy pa rin namang namumuhay si Em sa kanilang nakaraan. At sa oras nga na masabi ko na ang katotohanan na 'yun at pinagpatuloy pa rin ni Creight ang pakikipag-relasyon sa kanya ay ibig sabihin lamang nu'n na nakahanda siya na magpaka-tanga para kay Em. He is willing to be a rebound. Kun

