Chapter 101 Aether's POV Kahit na anong pagtanggi pa ang gawin sa amin ni Emerald ay wala naman nang maniniwala sa kanya na wala siyang kinalaman sa pagkawala ni Keitlyn. Wala siyang maloloko sa amin. Kaya kung kinakailangan na gipitin namin siya at pagbantaan hanggang sa umamin siya ay gagawin na namin sa kanya. She should have known by now na walang maniniwala sa kanya. Pero hinayaan ko na lamang si Ginger na siya na ang humawak kay Em dahil kahit papaano naman ay babae pa rin siya. At iyon din marahil ang dahilan kung bakit bigla na lamang sumingit sa amin si Ginger. "Bitiwan mo nga ako! You are harassing me!" protesta pa ni Em pero hindi pa rin naman siya binibitiwan ni Ginger. Kahit pa may pagbabanta na sa tono niya ay hindi ito natitinag. Well, knowing Ginger? Goodluck na lang sa

