Chapter 59 Keitlyn's POV While Gabriela is dying to know Aether and I's story, I am dying to know where her curiosity is coming from. At ayoko naman na maging ang bagay na 'to ay hindi magpatahimik sa akin. Marami na akong iniisip at ayoko na itong dagdagan pa. Kaya kung wala siyang pakundangan na magtanong sa akin, siguro naman ay may karapatan din ako na magtanong sa kanya ng kung anu-ano. Kung sasagutin niya ang mga magiging tanong ko ay saka ko lamang sasagutin ang mga tanong niya. At hangga't hindi ko nalalaman kung bakit ganito na lamang ang interes niya sa amin ay hindi ko sasagutin ang mga tanong niya. Hindi naman agad nakapagsalita si Gaabriela sa tanong ko na 'yon at hindi ko alam kung nag-iisiplang ba siya ng tamang salita o sadyang wala lang talaga siyang plano na sumagot.

